Unknown XII

97 4 0
                                    

MAAGA akong nagising dahil siguro masyado akong excited sa maaaring mangyari mamayang gabi. Mamaya na kasi magaganap ang pinaka aabangan naming mga werewolf, ang Red Moon.

"Ang aga mo yatang magising" nakangiting sabi ni ate.

Karaniwan kasi ay mas nauuna si ate na gumising kesa sakin kaya talagang mapapatanong sya kung bat ang aga kong magising ngayon.

"Excited lang ako para mamaya sa wakas makakapag shift nako" masaya kong sabi sa kanya habang inaayos ang sapatos na gagamitin ko sa pagjo-jogging or in other words pagtakbo mamaya.

"Diba ngayon din ang panahon kung kelan mas magandang ilipat ang pamumuno. Ibig sabihin eh magbabago na ang Alpha ng dati mong Pack. San nga ba yun?" Tanong nito.

"Sa Nightstorm" napa isip ako dahil nawala sa isip ko iyon "Nakalimutan ko na iyon din ang plano nina Alpha"

"Bat nga ba ginagawa yun sa mga pack? Meron bang magbabago" Tanong nito habang naglalakad palabas para makapag simula na kami sa pagtakbo.

"Sabi kasi samin na mas mapapalakas ng red moon ang bagong alpha kapag inilipat sa bagong mamumuno ang pamumuno ng pack" paliwanag ko dito.

"Ahhh kaya pala" sabi nito.

Nagsimula na kaming tumakbo papunta sa gubat sabi din sakin ni ate na habang nagJo-jogging kami ay sasanayin nya ulit ako para nasa kondisyon din ang katawan ko. Sabi nya ay sobrang sakit daw ng pagshi-shift dahil may nakapag kwento sa kanya noong may tinulungan ito. Ang pag shi-shift daw naming mga bagong magiging werewolf ay parang hinahatak ang balat namin at parang napuputol daw ang mga buto namin dahil sa form na ginagawa namin. Nung una eh natakot ako nung una ko yung narinig kay ate wala kasing nagkukwento sa pack namin siguro para maiwasan na din ang takot samin pero inisip ko na lang na ito talaga ang itinadhana kaya maghahanda na lang ako.

"Ate eh nung naging fully Lycan ka nakaramdam ka ba ng sakit noon o nakaramdam ng kakaiba?" tanong ko dahil walang nakakaalam ng pinagdadaanan ng mga lycan kapag nag shi-shift sila o fully grown lycans.

"Hindi naman kami nakakaramdam ng sobrang sakit katulad ninyong mga werewolfs kapag nagshi-shift ang mga bagong werewolfs, siguro nakakaramdam kami ng sakit pero hindi masyadong masakit. Ang problema lang eh medyo nawawalan kami ng control, minsan kasi nag ta-take over ang lycan side namin kaya hindi maiiwasan na makapatay kami" Mas binilisan nito ang takbo kaya binilisan ko din

"Iilan lang naman ang mga lycan na nababaliw at di na nakakabalik sa sarili, karaniwan eh mga pinage-eksperimetuhan tapos ay nakakatakas. Mahirap kasi kapag hindi kami naexposed sa mga natural habitat namin katulad nitong tinitirhan ko ngayon"

"Yung pagbabago nyo ba ang dahilan kaya sinasabi ng iba na delikado kayo?" tanong ko dito.

"Siguro dahil delikado talaga sa nakakarami ang kakayahan naming mga lycans" tinalon namin ang malaking ugat sa dadaanan namin. "Marami din na lycans ang sinusugod ng mga tao kahit mga werewolfs dahil iilan na lang kami kung baga endangered na" Tumigil ito tapos ay nag bwelo saka tumalon sa taas.

Napatingin ako sa pinagtalunan nito

"Tara mas magandang pagsasanay ito" pasigaw nitong sabi dahil masyadong mataas ang punong inakyat nito. 

Gano ba kalakas to ang naakyat nya ang ganung kataas na puno?

"Parang di ko kakayanin yang pag-akyat dyan?" kinakabahan kong sabi dahil ngayon ko pa lang magagawa ang pag-akyat sa malalaking puno saka liliban sa iba't ibang puno.

"Pano ka magiging malakas kung di mo kaya ang ganito?!" pasigaw ulit nitong sabi

Kinakabahan man pero ginawa ko pa rin. Bumubwelo ako saka ginamit ang lakas ko para maka-akyat muntikan pa kong malaglag dahil hindi ko naistima yung makakapitan ko pero buti na lang ay nakahawak kaagad ako sa sanga saka ko sinimulan ang pag-akyat hanggang sa makarating ako sa pwesto ni ate. Napatingin ako sa baba dahil nahulog ang salamin ko. Napahawak pa ko sa isang sanga dahil sa taas na puno inakyatan namin.

UnknownTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang