Unknown XXI

99 5 0
                                    

River POV.

"IBIG nyong sabihin ay may mga sumugod nga sa pack na mga rogue. Pero anong kailangan ng mga ito sa inyo?" tanong ko rito. Nandito pa rin kami sa kwarto ni ate habang kausap si luna.

Sinabi kasi nito sa amin na may mga rogue na lumusob sa pack at saka kinuha sya. Sinabi din nito na may itinurok na wolfbane dito.

"So tama rin ang naisip ko na madaming itinurok sa iyo sa wolfbane, luna." Sabi din ni ate.

Uminom ito sa tubig na dala ni ate nung papunta syang kwarto kanina.

"Hindi ko alam ang kailangan nila sa akin at tama bago nila itinurok sakin ang wolfbane ay ipinakita nila sa akin ang dami noon na halos puno na syringe na dala nila."

Nakakakilabot pakinggan ang sinabi ni luna. Siguradong sobrang nahihirapan ang katawan nito.

"Pero may hinala ako sa kumuha sa akin..." sabi nito.

"Sino naman luna?" tanong ko.

"May kinakapatid kasi ang aking mate ang dating alpha, na si Myra. Alam ko ang pagkagusto nito kay hendrick pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil alam kong na kaptid lang talaga ang turing ng akin mate dito at dahil din sinabi na din hendrick iyon." tumigil ito saka huminga ng malalim at saka nagpatuloy sa pagkukwento.

"Pero hindi ko aakalain na sobra na ang pagkagusto nito sa akin mate na umabot sa punto na patayin nito ang sariling mate nito at pagtangkain din akong patayin pero buti na lang at dumating si hendrick at nailigtas nito ako." sabi nito at pareho kami ni ate na napasinghap. Sino bang matinong nilalang ang gagawa ng ganuon.

"Ng malaman ng council ang ginawa nito ay hinatulan ito ng kamatayan pero bago ang araw na bibitayin ito ay nakatakas ito at nag-iwan ng sulat na babalikan kami nito. Isa iyon sa hula ko, pangalawa ay nung sinabi nung dumukot sa akin na lalaki na ginagawa lang nila iyon para maghiganti at wala namang kinalaban at inagrabyado ang pack para may magalit sa nightstorm kaya sila lang talaga ang suspect ko sa nangyaring pagdukot sa akin at paglusob sa pack." Mahabang litanya nito.

"Kung itong Myra na ito ang sinasabi mo luna ay siguradong babalikan nya ang Nightstorm lalo na at nailigtas ka namin sa mga rogue na kasama siguro nito." Hula ni ate.

Kahit ako ay ganun din ang hinala dahil base sa kwento ng luna ay parang galit na galit ito lalo na kay luna Lily.

"Anong dapat nating gawin ate?" tanong ko kay ate. Hindi kasi ako magaling sa pagpaplano.

"Siguro magpahinga muna ng ilang araw ang luna saka tayo magsisimulang maglakbay papuntang Nightstorm mas maganda kung pahapon na para hindi kaagad tayo makikita ng kung sino mang nilalang." Sabi nito. Tumango ako pero nasalita si luna.

"Sigurado bang kaya nyo maglakbay habang kasama ako. Sigurado kasing hindi ako makakalaban dahil kahit na gising ako ngayon ay parang paralisado naman ang katawan ko at ang wolf ko ay natutulog dahil sa mga natamo ko?" tanong nito at tama nga ang sinabi nito dahil hirap na hirap itong gumalaw at kailangan pang alalayan.

"Wag kang mag-alala luna kaya namin lumaban tyaka hindi tatagal si River kung wala syang kakayahan." nakangiti nitong sabi.

Napangiti din ako dahil pakiramdam ko na mas malakas na nga ako kumpara dati.

"Oo nga pala nakapag shift ka na ba River?" tanong sakin ni luna.

Agad akong napangibit dahil sa sinabi ni luna dahil sa totoo lang ay hindi nito alam ang pagshi-shift na ginagawa ko at ni ate.

"Ammm... luna... sa totoo lang ay nakakapagshift na ko pero..." kinakabahan ako dahil malaki ang pag-iwas ng mga taga nightstorm sa mga lycan kaya kung maaari ay umiiwas ang mga ito Kahit pag usapan ay iniiwasan nila.

Nagdadalawang isip pa ko kung itutuloy ko pa ba na magsalita ng marinig kong nagsalita si ate na ikinagulat ni luna.

"Nakakapagshift na si River at isa syang lycan pati ako pero wag kang matakot dahil hindi naman kami katulad ng mga naririnig nyo na basta basta kami pumapatay kaya hindi mo kailangang matakot."

"L-lycan k-kayo!" gulat pa rin nitong sabi.

Napatampal na lang ako sa noo ko dahil parang binigla ni ate si luna. Hindi naman kasi sanay si ate ng dahan dahang paliwanag. Nasanay na lang kasi ako dahil dalawang taon ko rin itong nakasama.

"Ah oo luna wag kang matakot hindi naman kami na nanakit ng basta basta kaya wala kang dapat na ipag-alala" Pag a-assure ko rito.

Kahit na halata ang kaba sa mukha nito ay parang nabawasan iyon dahil sa sinabi ko kaya napahinga rin ako ng maluwag.

"Matagal na ba kayo dito nakatira?" pag-iiba nito ng topic.

"Oo matagal na kami rito Luna simula bata pa lang ako dito na ko tumira tapos two years ago nakilala ko si River and long story short nalaman kong sya ang bunso kong kapatid." Sabi ni luna.

"Eh asan ang totoo nyong mga magulang?" tanong ni luna.

Agad kaming natahimik at nalungkot dahil sa sinabi nya. Nakakalungkot dahil hindi ko man lang sila nayakap.

"M-may nasabi ba kong masama?" Tanong ni luna.

"Wala naman luna pero yung mga magulang namin wala na po sila namatay nung araw na ipinanganak si River..." Malungkot na sabi ni luna.

"G-ganun ba sorry kung pinaalala ko sila sa inyo..." malungkot na sabi ni luna.

"Okay lang po yun luna. Sige na po magpahinga na lang ulit kayo tapos gigisingin na lang po namin kayo kung handa na ang pagkain." pag-iiba ko sa topic dahil masyadong malungkot ang nangyari talaga sa mga magulang namin ni ate Raine.

Tumango lang ito tapos ay humiga at pumikit na habang kami ni ate ay umalis na dala dala ang mga pinanglinis kay luna...






Casper POV.

"KAMUSTA ang paghahanap sa luna?" tanong ko sa kanila dahil ilang araw na pero hindi pa rin nahahanap si mama.

"Sorry alpha pero hindi pa rin po namin makita ang luna."

"Pero may nakita po kaming mga gamit sa falls malapit sa mga patay na rogue pati na rin po yung pinuno na sumugod dito nung nakaraan." biglang napukaw ng pansin ko ang sinabi ng isang guard.

"Kinuha nyo ba ang mga gamit?" tanong ko kaagad.

"Opo alpha." Sabi nito.

"Sige kunin nyo tapos dalhin dito." utos ko sa kanila. Agad naman silang yumuko saka lumabas ng office. Yumuko ulit sila ng makita nila si Dad na papasok sa office ko.

Nang makapasok si Dad sa office ko ay agad itong umupo sa upuan sa harap ng table ko.

"Kamusta ang paghahanap sa iyong ina, Casper?" tanong agad ni Dad.

"Wala pa ring progress dad pero meron silang nakitang mga gamit malapit kung san natin nakita ulit sina Myra pati na rin yung mga patay na rogue. Baka yung mga may-ari ng mga gamit ang kumuha sa luna kaya mamaya nandito na yung mga nakuhang gamit ng mga guard." sabi ko dito para medyo gumaan naman ang pakiramdam nito.

Nitong nakakaraan ay sobra ang pag-aalala nito para kay mama. Di ko naman sya masisi dahil mate nya ito, ang other half nya.

Naisip ko tuloy ang sarili kong mate at ang council.

"Ama kailangan ko ba talagang sundin ang kagustuhan ng council?" tanong ko kay dad.

"Casper, wala tayong magagawa dahil yun na ang desisyon nila..."

Napabuntong hininga na lang ako...




-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

June 14, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now