Unknown XI

93 4 0
                                    

MAAGA kaming gumising nina ate Raine para sa morning routine namin na pag jo-jogging sabi nya kasi paraan na din daw ito para mas mapalakas ang stamina nya and mga senses.

Minsan bumibilis ang takbo ni ate Raine kaya binibilisan ko din. Parang training na rin nya sakin iyon para mas mapabilis ang pagkilos ko. Kailangan ko rin naman sanayin ang sarili ko na makontrol ang mga nakuha kong kakayahan mula sa pagsasanay na ginawa ni ate kaya hindi na ko umaangal sa iba nyang pinagagawa kahit may iba dun na parang imposible na talaga.

Tumigil kami ni ate sa isang ilog tiningnan ko muna kung malinis ba doon at nakita kong malinis naman kaya uminom ako nakakauhaw din ang tumakbo eh.

"Malapit na nga pala ang red moon" napabaling ako kay dito ng bigla itong nagsalita. Oo nga pala sa makalawa na ang hinihintay naming red moon.

Ang red moon kasi ay isang paraan ng mga werewolf para makapagshift ng walang kahirap hirap lalo na sa mga late bloomer na katulad ko. Hindi ko naman alam kung anong epekto nito sa iba.

Hindi ko alam pero excited ako at kinakabahan kasi hindi ko alam kung anong mangyayari? Kung kakayanin ko ba? Kung anong magiging itsura ng wolf ko?

Basta pagdumating na ang red moon ay sisiguraduhin ko na malakas na ako at kakayanin ko ang mga susunod na mangyayari sa gabing iyon.

"Sa labas ng bahay malakas ang liwanag ng red moon kaya pwedeng doon ka na lang. Baka mas effective dun diba" natatawa nitong sabi. Natawa na din ako sa sinabi nya.

"Pero ate nae-excite na ko. Iniisip ko kung anong magiging itsura ng wolf ko kapag nakapag shift na ko, kung magiging malaki ba o maliit na wolf o kaya kung kakayanin ko ang pag shi-shift"

"Alam mo ganyang ganyan ako nung nalalapit na pagiging fully lycan ko" napatingin ako dito at nakita kong nakangiti ito. "Nung naging lycan na ko pakiramdam ko kasama ko ang mga pumanaw kong magulang pati kapatid"

"Siguradong proud na proud sila sayo" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sana nga..." sabi nito.

Naramdaman ko ang pag-init ng sinag ng araw kaya agad ng nag-aya si ate para umuwi na. Pupunta pa kaming bayan para kumuha ulit ng request dahil mangangaso kami at baka makuha nila ang kailangan sa request habang nangangaso.










Casper POV.

ISANG buwan na ang nakakaraan sa Nightstorm at hanggang ngayon ay iniisip nya pa rin si River.

May biglang umakbay sa kanya "Soon-to-be Alpha bakit parang ang laki ng problema mo.. Wait is it still about your bestfriend? Naku wag mong kaisipin ginagawa naman ng lahat ang makakaya nila pati natin para mahanap ito" sabi sa akin ng soon-to-be Beta na si Lander. Isa rin ito na naging matalik nyang kaibigan sa camp noong nagsasanay sila ng labing dalawang taon. Halos kilala na namin ang isa't isa kaya nasabi nito kaagad kung anong problema nya.

"Hindi mo ko masisisi Lander dahil nandun ako bago sya umalis..."

"Hayyy wala akong masasabing iba dahil hindi ko talaga alam ang nangyayari. Wala namang nagkukwento ng nangyari kaya support lang ako sa kung ano mang plano mo" napangiti na lang ako sa sinagot nya.

May nakita kaming mga dalagang she wolf kaya agad na inayos ni Lander ang pwesto nito saka kinindatan ang mga ito at mga kinilig naman ang mga ito. Napailing na lang ako sa kinilos nito.

"Kailan mo ba ititigil yang ginagawa mong pangbaba-babae?" tanong ko dito

"Ano ka ba naman Casper nag e-enjoy pa ko tyaka di naman ako ang lumalapit kung hindi sila. Eh hindi naman ako tumatanggi sa grasya masama kayang tumanggi sa grasya" sabi nito habang kinikindatan pa rin ang ibang mga she wolf. Tumingin ito sakin saka ulit nagsalita "Pareho talaga kayo ni Oliver na masyadong seryoso at ayaw mag enjoy" nakangisi nitong sabi.

"Eh kasi hinihintay namin ang mga mate namin"

Tutugon sana 'to ng dumating si Cindy kasama ang mga kaibigan nito at lumapit samin. Halos palibutan na nila kami at halatang enjoy na enjoy naman si Lander.

"Casper malamig daw mamaya baka gusto mong samahan kita o ako na lang ang samahan mo" mapang-akit nitong sabi habang nakakagat sa labi nito. Napangiwi naman ako at dali daling tumayo.

"Cindy alam mo na naman ang sagot ko dyan kaya itigil mo na lang ang mga ginagawa mo. Tyaka hindi ikaw ang mate ko kaya mas mabuting ilaan mo na lang ang sarili mo sa magiging mate mo" sabi ko dito saka umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sakin nina Lander pero hindi ko na sila pinansin saka umalis.

Naglakad lang ako ng naglakad wala naman akong gagawin dahil nagawa ko na ang pinapagawa sakin ng alpha. Kaya heto ako at sinusulit ang pahinga ko mula sa pagsasanay ng aking ama nalalapit na din kasi ang Red moon at yun ang gabi kung kailan ililipat sakin ang pagiging Alpha.

Napabalik lang ako sa sarili ko na nakita ko ang tree house namin ni River.

You are my mate...

Napapikit ako ng maalala ko na naman iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung pano nasabi ni River na mates kami pero wala akong naamoy o naiisip na sign na mate kaming dalawa. Pero ng araw na sinabi nya iyon ay maliban sa pagkalito ay may kakaibang saya ang naramdaman ko... Na parang may naramdaman akong kakaibang pakiramdam na noon ko lang naramadaman.

Dati pa lang naman nung bata pa kami ay kakaiba na talaga ang naramdaman ko sa kanya. Siguro nagkaroon ako ng crush kay River dahil sa nakakatuwa nitong ugali at lalo na ang mata nito.

Ang mata nito na pinapakalma ako. Kapag umiiyak ako o malungkot dahil napapagalitan ako ay sya kaagad ang hinahanap ko tapos ay yayakapin at titingnan ko lang sya ay nagiging okay na ko. Na parang sya ang stress reliever ko.

Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa mga nangyari at nag-aalala. Nalaman ko kasi na hindi pa nakakapag shift si River kahit nakapag 18 na ito. Natatakot ako para rito dahil hindi nito alam kung anong nasa labas talaga ng nightstorm pero sana maayos na kalagayan nya. Hindi nya mapapatawad ang sarili nya kapag may nangyaring masama dito.







-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Batang bata pa ehhhhhhh chumachansing na aba!!!!! hahaha


May 20, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now