Unknown XVI

105 3 0
                                    

( Dasha Taran as River)

MABILIS ang aking takbo dahil may hinahabol kami ni ate na isang rogue. Pumatay kasi ito ng isang pup na hindi namin alam kung saang pack iyon nanggaling.

Madami kaming nakita katulad ng pagpatay sa mga bata na ginawa ng mga rogues. Meron naman kaming naliligtas pero mas marami ang naaabutan namin patay na at pinagpepyestahan na ng mga asong ulol na ito. Masyadong nabaliw na para gawin ang ganitong bagay.

Napatigil ang rogue at ng tatakas pa ito ay nahawakan ko na agad sa buntok habang si ate naman ay tinungtungan sa likod nito.

"Sobra na ba ang pagka ulol mo para kumain ng bata?" kalmado ang pagkakasabi pero halata dito na nanggigigil na ito sa rogue.

"Rawwwr..." napangibit ako dahil sa mga tulo ng laway nito.

"Mukhang naulol na nga ate" nakangibit kong sabi.

"Kung ganun mas mabuting mamatay ka na lang salot" sabi nito sabay tapak ng malakas sa likod at rinig na rinig ko ang pag crack ng mga buto ng rogue.

Nakita ko ang pagpupumilit nito para tumakas pero tinungtungan ko naman ang dalawang paa nito sa likod habang si ate ay tinungtungan ang leeg nito at nakita ko ang pagkawala ng rogue hanggang sa tumigil na ito.

Kumuha si ate ng gasul at posporo sa dalang bag nito saka ibinuhos sa patay na rogue. Hindi kasi pwedeng iwan na lang basta ang rogue dahil maaaring mag isip ng hindi maganda ang iba pang rogue at magkaroon ng hindi pagkakaintindihan para maging isang sigalot.

"Nakakainis talaga ang mga ganito, kailan ba titigil ang ganito?!" inis nitong sabi.

Naghanda na si ate papunta sa bahay namin... Ang tahanan ko na ngayon...

Dalawang taon na ang nakakaraan nung nalaman ko na totoong kapatid ko si ate Raine. Matagal na pero parang kahapon lang ng nangyari iyon. Noon ay di ko alam kung anong dapat kong maramdaman at dapat na maging reaksyon dahil talagang gulong gulo ako. Pero ng na-absorb ko din ang nangyari ay talagang natuwa ako pero nalungkot din dahil sa sinapit ng mga totoo kong mga magulang.

Yung ipinakita pala ng witch sa amin noon ay ang pangyayari na hinahabol sila ng lalaking obsess sa aking ina. Naging boyfriend ito ng aking ina pero nakipaghiwalay din ng makilala ang aking ama na syang mate nito.

Nakakalungkot man dahil hindi ko sila nakasama ay pinangako ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko ang pagkamatay nilang dalawa. Nakita ko naman ang iba nilang litrato, may photo album si ate na nasa kwarto ko lang pala na hindi ko naaayos. Nakita kong masayang masaya sila doon at ang pinaka huling picture na nakita doon ay nung nasa sinapupunan na ko ng aking ina. Kahit na ganun ay masaya pa rin ako dahil Kahit di pa ko pinapanganak ay pakiramdam ko sa huling litrato ay nakasama ko na talaga sila.

At simula ng malaman ko na kapatid ko si ate ay nagkaroon na ang linaw kung bat hindi ako naging isang werewolf dahil isa akong full blooded lycan. Habang hindi pa ko nagiging lycan ay pinaliwanag nya sakin ang ibang bagay na hindi ko pa alam. Katulad na ang mga lycan ay kayang mamuhay na hindi kasama sa isang pack kaya kasi namin na mamuhay na sa sarili lang namin. Pangalawa ay hindi kami tinatablan ng silver o kahit wolfsbane ang maaaring makaapekto sa amin ay ang spine namin dahil kapag nasira ang spine namin ay maaaring maging kahinaan namin iyon o mas malala pa ay ikamatay namin at ang huli ay tungkol sa mga mate namin. Sabi ni ate hanggat hindi ako o kahit sinong lycans na hindi pa lumalabas ang pagiging lycan ay hindi sila makikilala ng kanilang mate. Kaya pala hindi ako noon nakilala ni Casper bilang kanyang mate.

Ngayon na alam ko na kung sino ako ay naalala ko ang mga kumupkop sakin lalo na ang nightstorm. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung babalik pa ba ako sa pack o hindi? Tanggap pa ba nila ako?

"Hoy tara na!" Sigaw sakin ni ate na malayo na pala sakin. Di ko napansin ah.

"Andyan na" Sabi ko sabay habol sa kanya.













(Casper, I change the ML kasi masyadong matured para FL si Michele Morrone)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Casper, I change the ML kasi masyadong matured para FL si Michele Morrone)

Casper POV

"Kamusta ang paghahanap?" Tanong ko sa isang gwardya na tinalaga ko para hanapin ang mga nawawalang bata ng pack.

"Nahanap at naligtas po namin ang iba pero may hindi pa po kami nahahanap"

"Sige ipagpatuloy ang paghahanap pag na secure na ang mga batang naligtas" utos ko sa mga ito.

"Sige po, Alpha." Sabi nito saka tumalikod para pumunta sa mga nailigtaas na mga bata.

Huminga ako ng malalim dahil sobra ang stress na nangyayari ngayon dahil sa mga nawawalang pack members. Halos isang buwan na nangyayari ang mga pagkawala ng ibang miyembro ng Nightstorm. Noong una ay mga wala pang mga mate na she wolfs ang kinukuha at nawawala, umabot iyon ng dalawang linggo at ng masagip namin ang mga ito ay may ilan na inabuso at ang iba ay namatay. Tapos ngayon isang linggo na nawawala ang mga bata ay ngayon lang namin nakita ang mga pups.

Ayaw ko mang mag-isip ay pakiramdam ko may mga nangyari ng masama sa ibang mga bata. Hindi ko alam kung bat nangyayari ito. Sa pagkakaalam ko ay hindi kami gumawa ng masama sa mga ibang pack, rogue o kahit ibang mga lahi para mangyari ito.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko yung magbukas at nakita ko si ama na pumasok.

"Kamusta ang mga bata?" Tanong nito sakin.

"May mga naligtas pero until now ay hindi pa rin nahahanap ang iba pang mga bata" sabi ko sabay buntong hininga.

Umupo si dad sa silyang nasa harap ng lamesa ko saka nagsalita.

"Wag kang mag-alala anak dahil mahahanap din ang iba pa maniwala ka lang sa kakayahan ng mga guards ng pack" 

"Yes dad I believe that they will do their best in finding the other pups" huminga ulit ako ng malalim "Pero di pa rin maalis sakin ang mag-alala sa kalagayan ng iba lalo na at masaklap ang nangyari sa mga she wolfs"

"Anak pagsubok to na kailangan mong harapin bilang Alpha pero naniniwala ako na kakayanin mo ito" nakangiting sabi ni ama.

Ngumiti ako rito tapos ay tumayo si dad saka ako tinapik sa balikat ko saka ito lumabas.

Two years had passed since I became the Alpha of Nightstorm at sa pamumuno ko ng nakaraang taon ay naging maayos at walang gulo. Pero ngayon nagsisimula na ang problema ko at naninibago ako dahil siguro sa unang pagsubok ko ito sa pack.

Halos two years na din ng tinigil na namin ang paghahanap kay River dahil yun na rin ang napagkasunduan ng lahat lalo na ang mga kumupkop kay River sa pack. Noong una ay tutol ako pero pinaliwanag sakin ni dad pati ng luna na dapat ay itigil na rin ang paghahanap lalo na at matagal tagal na rin ang ginugol namin sa paghahanap rito. Sabi nga ni ina na hanggang ngayon ay ang tumatayong luna ng pack na 'Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap'. Kaya tuluyan ko ng pinatigil ang paghahanap kay River kahit sobrang labag iyon sa kalooban ko.

Siguro kung nandito ito ay may suggestions itong sasabihin o kaya pagagaaanin nitoang loob ko. Siguro mas madalas ko pang maisip si River kaysa sa paghahanap sa mate ko. Natatawa na nga lang ako dahil parang si River talaga ang mate ko gaya ng sabi nito pero alam kong napaka imposible noon dahil walang sinyales akong naramdaman noon pero kahit ganun ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa pag-alis nito at nami miss ko na rin ito...


May 27, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now