61

67 10 2
                                    

Pasensya na mga beshwap!!!  Masyadong busy lang!!!!














Halos manakit ang leeg ko sa maghapon. Paano puro discussion ang nangyari ngayon araw buti na lang may nakakausap ako kahit papaano 'yun nga lang chismiss naman ang pinaguusapan.


Wala kasing ginawa buong araw si Janice kung hindi magtanong na magtanong tungkol kay Aljhon. Syempre sinabi ko naman sakaniya lahat ang totoo, maski ang panliligaw nito.


For sure rin, kakalat na 'yun kinabukasan.


Palabas pa lang ako ng makita ko ulit si Mike sa labas ng room namin.


"Yes? " gulat na tanong ko. "Do you need something? "


"Sasabay lang sana ako sa pag-uwi. "


Natatawa ko s'yang pinagmasdan. "Ano ka bata?hindi marunong umuwi? "


"Sasabay lang. " ang cute ng hitsura n'ya ngayon.


"Fine! " natatawag kong pagpayag.


Nakita ko pa sila Ara at Kyla na papalabas na rin. Hindi yata nila alam na magkakasabay sila sa paglalakad dahil kapwa nila iniiwasan ang isat isa ng  tingin.


"Tara." yaya ko kay Mike. Habang naglalakad kami sa hallway talagang pinagtitinginan kami will, I don't care.


Isipin nila ang gusto nilang isipin basta para sa akin, nakikitungo lang ako sa mga tao.


Nang makarating kami sa gate sabay kaming huminto.


"Paano? Una na ako? " pagpapaalam ko.


"Hatid kita! " pagpipresenta nito.


Sasagot palang sana ako ng sabay kaming magulat sa paghinto ng sasakyan sa harap ko.


Mercedes ito na kulay itim. Hindi ako sigurado pero parang kilala ko na ang driver nito.


Nang magbukas ang pintuan nito sa driver sit talagang inaabangan kong lumabas at hindi nga ako nagkamali. Inilabas nito ang lalaking naka-uniform pa ng school nito at cool na cool.


Lumaki ang ngiti nang makita ako at saka lumapit sa akin.


"Hi beautiful, miss me? " humalik pa ito sa pisnge ko, pero ang tingin ko sakaniya ay seryoso.


"Ano't napadpad ka dito? " nakataas na kilay kong tanong.


"S'ya ba si Aljhon? "


Sabay kaming napatingin ni Aljhon kay Mike. S'ya kasi 'yung nagtanong.


"Yes? " tanong ni Aljhon.


Hindi pinansin ni Mike si Aljhon at sa akin tumingin. Keme ko lang naman s'yang nginitian.


"Una na ako Gracia. "


"Ok. "


Umalis si Mike at muling natuon ang tingin ko kay Aljhon.


"Hindi na ako magtataka kung isa rin 'yun sa mga manliligaw mo. " natatawa n'ya itong sinabi kaya tinarayan ko s'ya.


"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. What on earth are you doing here? "


"I want to visit you. You know I miss you. " nagpa-cute pa ito sa harap ko. Hindi naman cute.


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon