53

79 12 0
                                    


Nabalik ako sa katinuan ng muling magsalita si Aljhon.


"Gracia? "


"Ha? Ano 'yun? "


Napakamot ito sakaniyang ulo. "Kakasabi ko lang. Sa ayaw at gusto mo manliligaw ako. "


"Pero.... Hindi naman ako pumayag! "


"Ok lang. Handa naman akong maghintay Gracia at alam kong wala kang boyfriend. Kung may mga manliligaw ka man. Patas akong makikipag laban. "


Pinanlakihan ko ito ng mata. "Ano?! Hibang ka ba Aljhon? Hindi pa tayo mas'yadong magkakilala!"


"Kaya nga ako manliligaw para makilala kita. " pagdadahilan pa ni Aljhon.


"Hindi ako pumayag! "


Malungkot ako nitong tinignan. "Tatanggihan mo na agad ako? " peke pa itong ngumiti. "Hindi pa ako nagsisimula mukhang talo na ako ah. " dagdag pang sabi ni Aljhon.


"Naguguluhan ka lang Aljhon. "


"Sana nga Gracia. Naguguluhan lang ako. Kaso hindi ka mawala sa sistema ko. " tinignan ako nito na nagugusap ang mga mata.


Napatunganga na lang ako sa harap ni Aljhon. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko, maski kung anong idadahilan ko. Ngayong nakikita ko sa mukha nito ang pagkaseryoso sa lahat ng sinabi, ang lungkot at tila pagkabigo.


Ngunit ano namang gagawin ko ngayon? Anong sasabihin ko?


Kagabi lang, tinapos na ni Josh ang pangliligaw n'ya kanina lang inirereto ako ni tita Maribeth sa sariling anak. Tapos ngayon? Ito namang si Aljhon?


Naguguluhan ako. Hindi yata kayang magproseso ng utak ko sa lahat ng rebelasyong ito.


"Aljhon... Hindi ko alam ang sasabihin ko. "


"Wala kang dapat sabihin. Pagisapan mo at sana huwag mo akong pigilan. I know, mas'yadong mabilis dahil parang kelan lang naman tayo nagkakilala at hindi naman talaga tayo nagkakasama pero Gracia seryoso ako sayo. " ngumiti ito sa akin.


"Pero -" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng putulin ni Aljhon ang sasabihin ko.


"Wala munang pero pero Gracia. Pagisipan mo. Aalis na muna ako. Ipaalam mo na lang ako sa kanila. "


Lumapit sa akin si Aljhon hanggang sa namalayan ko na lang na hinalikan n'ya ako sa noo at saka umalis.


Napahawak tuloy ako sa aking sintido ng makalabas si Aljhon.


Ano na lang ang uunahin ko ngayon?


"Are you ok? " mabilis akong napatayo ng maayos at tumingin sa pintuan ng kusina. Nandoon si Aaron nakatayo.


Si Aaron ba ang nakikinig sa usapan namin ni Aljhon kanina? S'ya ba ang nagsara ng pinto?


"Kanina ka pa d'yan? " tanong ko.


"Kararating ko lang. Nakasalubong kong palabas ang bisita n'yo. Ano 'yun? Uuwi na? " tanong nito bago pumasok sa loob ng kusina.


"Oo. May lakad pa daw. " pagdadahilan ko.


"Ayos ka lang? " he asked. "You look bother. "


"Ayos lang ako. Don't worry about me. " ngumiti pa ako para ipakitang ok lang talaga ako. "By the way. Bakit ka nandito? Do you need something? "


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon