34

169 27 0
                                    



Mabilis kong naitulak si Josh. Parehas kaming hingal nang maghiwalay. Gosh! Buti at may lakas pa ako para itulak s'ya dahil sa totoo lang nadadarang ako sa pakiramdam na 'yun. Lalo't maling mali 'yun sa sitwasyon namin.


Yumuko ako upang hindi masalubong ang mga tingin ni Josh at kinakalma ko rin ang aking sarili.


"Sorry. " sambit ni Josh.


"Mmm. " haming lang ang sinagot ko at tango.


"Don't do that again. " napapantastikuhan akong nag-angat ng tingin sakan'ya at halos magsalubong ang mga kilay ko.


"Do what? "


"Bitting your lips. " seryoso nitong sagot na mas lalo akong nagtaka.


"What?! "


"When you're bitting your lips its like calling my lips to kiss that! " frustrated na sabi nito at halos mapamaang ako. Napaawang ang labi ko sa sinabi at hindi makapaniwalang pagmasdan s'ya.


So... Kaya ba na lang s'ya bigla biglang nanghahalik kapag nakakagat ko ang labi ko dahil 'yun ang nararamdaman n'ya.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil para akong nawalan na naman ng kaalaman sa sinabi n'ya. Nagbaba ako ng tingin at saka pinagsaklob ang aking kamay.


Nagulat ako ng hawakan n'ya ang kamay ko na halos nanginginig "Come. " Nag angat ako ng tingin at ayun na naman ang kan'yang mga mata ng masalubong ko parang ang dami na namang gustong sabihin.


"Huh? " napamaang na tanong ko.


Nakatingin lang s'ya sa akin at saka ako hinila palapit sa lamesa. Doon naagaw ang attention ko sa nakalapag doon. Nagtataka akong tumingin sakan'ya.


"Ano 'yan? " hindi ko mapigilang maiusal.


"Obviously Milktea. "


Gusto ko s'yang batukan dahil sa pambabara n'ya pero hindi ko na lang ginawa bagkus tinarayan ko ito.


"Hala! milktea pala 'yan? Para kanino 'yan? " kunware maang maangan ko. Nakikisakay sa pambabara n'ya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya hindi na naman ako nakapagpigil para tarayan s'ya.


"Arte nito. "


"Pero gusto mo! " sabi ko at saka siya kinindatan. Halos matawa ako sa naging reaction n'ya, hindi mo kasi malaman kung natakot s'ya o nabigla s'ya, basta na lang kasi s'ya natigagal sa kinakatayuan n'ya.


Nang makabawi ay saka ito napabuntong hininga. "Don't do that too. "


"Do what? " itinaas ko ang aking kilay at saka nagtatanong na tumingin sakan'ya.


"That! "


"'Yung? "


Muli itong napabuga ng hangin. Hindi ko tuloy maitago ang tawa ko. "Like this? " kinindatan ko ulit s'ya.


"Damn it! " he said at nagtangkang lumapit sa akin at dahil nakita ko ang kilos n'ya kaya  mabilis ako napalayo ngunit tumatawa.


"May sasabihin ka pa diba? " nakangisi kong tanong, ayun na naman s'ya napapabuntong hininga. Problemadong problemado ba 'to?


Napataray ako bago kunin ang milktea at saka naupo. Pinagkakaabalahan ko na 'yung milktea na maramdaman kung umupo rin s'ya sa katabi kong upuan. Hindi na masyado malamig 'yung milktea siguro kanina n'ya pa 'to binili at talagang pinaghandaan ang gabing 'to.


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon