19

299 60 21
                                    


Nakasunod lang kami kay Josh. Hindi naman s'ya nagmamadali sa paglalakad, parang sumasabay pa rin, nuuna nga lang. Hindi ko kasi alam bakit bigla na lang 'yun nagbago ng mood. Dapat nga pala sanay na ako, Napakamoody n'ya talaga. Sabagay kahit naman noon gan'yan na 'yan.


Hanggang makarating kami kanila tita ay hindi pa rin ako nito pinapansin.


'Pake ko ba?! Kung ayaw n'ya mamansin edi wag!' Bulong ko lang naman pero narinig ata ng kapatid ko.


Hindi na ito nagtanong o maski nagsalit pero binigyan ako nito ng kakaibang tingin. Nagderederets'yo na lang ako ng pagpasok sa bahay nila tita ng makarating kami dahil naaasiwa ako sa tingin n'ya. Ni hindi na nga pala ako nakapagpaalam sa mga kasabay namin. Bigla na lang din kasi nawala ako sa mood! Ugh! Nahahawa na ata ako kay Josh ah! Kainis!


Kinausap lang ako ni tita ng saglit bago nagpahinga. Maaga kasi ang meet up ko. Katulad ng dati napakarami nitong bilin. Ibinigay n'ya na rin ang contact ng ka-meet up ko bukas.


11:11 ng magising ako. Hindi ko alam pero minsan kapag natutulog ako sa gabi may time na nagigising ako ng 'di oras. Kinuha ko muna ang cellphone ko saka nag log in sa social media pambalik lang ng sana ng antok.
Kaso may hindi ako inaasahang message. Anong oras na ah. Hindi pa ba 'to tulog? At ano na namang problema n'ya ngayon. Napataray tuloy ako dahil sa message ni Josh.


Still awake?


So what kung gising ako anong pakealam mo!?



'Yan sana ang gusto kong ireply kaso masyado namang rude.



No, nagising lang.

I see.
Go back to sleep.

Nah! Later na lang.


Magpahinga ka na.

Eeehhh kinilig naman ako sa message na 'yun. Bigla tuloy nawala ang galit ko. Is he care for me? Sabagay may gusto nga s'ya diba.

Mamaya na nga.

Ikaw ang bahala

Ay, hindi man lang ako pinilit? Kairita to. Tutulugan ko talaga to eh.

May sasabihin ako.


Pahabol nitong chat.

Omoooo bakit bigla akong kinakababan.??? Eekkk ano pa bang ikakakaba ko? Bukod sa alam kong may gusto s'ya sa akin ano pa??? Bakit nararamdaman ko 'to.
Kinakabahan tuloy akong mag type at the same time kinikilig.

Ano 'yun?


Pwede ka bang lumabas?
Dito sa likod lang ng bahay nila tita.

Sa likod bahay? E? Anong gagawin don? At saka bakit?

Bakit?


Gusto kitang makausap

Gusto akong makausap? Tungkol naman saan? At saka diba magkachat naman kami, bakit hindi n'ya pa sabihin.

Ede, I chat mo na lang


Personal sana.

Naging curious tuloy ako kung anong sasabihin nito.

Baka gising pa pasi sila tita.

Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon