48

109 13 3
                                    


Kahapon wala si Josh. May pinuntahan tapos ngayon iniiwasan n'ya ako. Lahat ng text, chat maski tawag ko ini-ignor n'ya na. Kaya naman nang maghapon na, nagpasya akong pumunta sa bahay nila.


Pagpasok ko pa lang sa sala rinig ko na ang ingay sa likod bahay nila. Ang mga tawanan, tila napakaraming tao sa lugar na 'yun.


"Tita." bati ko sa mama ni Josh ng pagbuksan ako ng pinto.


"Gracia! Ikaw pala hija. " tuwang tuwang ani nito. Ngumiti rin ako kay Tita.


"Sila Jasmine ba? " tumango ako bilang sagot.


Nandito sa bahay nila Josh ang magkapatid. Hindi ko nga kung bakit pero 'yun ang dinahilan ko kay tita na pupunta lang ako sa mga pinsan ko.


Pinapasok ako ng mama ni Josh at kunawit ang kaniyang kamay sa aking braso. "Alam mo ba Gracia. Favorite ni Josh ang basketball. MVP pa nga 'yun batang 'yun eh."


"Talaga po? " interesante kong tanong.


"Oo. Kaya madalas silang sumasali sa mga palaro ng barangay rito. " pagbibida pa nito.


"Pansin ko nga po. Magaling naman po si Josh. "


Tila kinikilig naman itong tumango sa sinabi ko.


"Ay oo! Napanood mo na ba? "


"Yes po tita. " Honest na sagot ko. Totoo ilang beses pa.


"Yieee. Halika at samahan mo muna ako sa kusina. " hinila ako nito patungo sa kanilang kusina. Hindi na ako nakapagprotesta, nagpahila na lang ako.


"Ano pong gagawin natin dito? " tanong ko ng makarating kami sa kusina nila.


Alam ko na ang pasikot sikot ng bahay nila Josh. Dahil ilang beses na rin naman ako nakapasok dito. Lalo na kapag may mga okasyon.


"Magkukwentohan muna tayo! " tila ay kinikilig na naman nitong ani. Ngumiti ako. Ano naman kaya ang pagkukwentohan namin.


Pinaupo ako nito sa isa sa mga upuan bago nagkalikot sa kanilang ref.


"Alam mo Gracia ang ganda mo talaga. Noon pa man. " agad akong pinamulahan dahil sa sinabi nito, humarap sa akin si tita. Dala na nito ang platito na may lamang cake.


"Nako hindi naman po tita. "


"Ano ka ba! Totoo 'yun!"


"Salamat po. "


Ngumiti ako sakaniya na napakalaki. Nakakagalak ang sinabi nito. Kahit siguro sinong babaeng sabihan ng maganda ay matutuwa.


"Pero alam mo ba? " tila ay nalungkot ito bigla.


"Ano po 'yun? " tanong ko naman.


"Noon pa man. Gusto kong ikaw na lang ang maging asawa ni Josh. " halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Hindi ko akalain na ganito ang iniisip ni tita tungkol sa amin ni Josh.


Noon man hindi ko naiisip ang pagaasawa. O maski kung kanino ako nararapat. Mas lalong hindi ko inaasahan na iisipin ni tita na ako ang magiging asawa ng kaniyang anak. Alam kong mabait si tita pagdating sa akin. Lagi itong nakangiti, pero nang malaman ko ito parang nakahinga ako ng maluwag.


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon