56

63 11 0
                                    

Hello mga beshwap!!! Kung may nagbabasa naman nito pa-ayuda ng comment. Hehehe. Para ganahan naman ako sa pag-update at ma-feel ko naman na may nagbabasa nito. ^_^





"Ngayon simulan mo na. " unang salitang lumabas sa bibig ni Kyla ng makarating kami sa kwarto. Sinarado ko ito at malungkot na humarap sakaniya.


"What? " naiirita ko pang tanong.


"Magkwento ka na. " seryoso itong umupo sa kama at nakaharap lang sa akin.


Mukhang wala na akong magagawa. Hindi ko rin naman na ito natatago kay Kyla. Bilang kaibigan ito s'ya at dinadamayan ako. Handang makinig kung ano man ang iku-kwento ko.


Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumabi rin kay Kyla sa pagkakaupo sa kama.


"Ang sabi n'ya manliligaw s'ya. Maghihintay s'ya, pero isang araw bigla n'ya na lang sasabihin na hihinto na s'ya tapos ito ngayon? magkasama na sila ng ex n'ya!."


"Tapos? " tanong nito at tila nakikisimpatya sa kalagayan ko.


"I don't know actually, kung bakit? Hanggang ngayon hindi n'ya sinasabi. Ewan ko kung tungkol ito doon sa pagkalimot kung magreply sakaniya pero napaka lame naman. Kung 'yun lang ang dahilan. Dahil ba hindi ko s'ya naicha-chat nun? Basta basta na lang s'yang titigil!!! "  tuloy tuloy kong pagkukwento at nararamdaman ko na naman ang pagbara sa lalamunan ko.


"Ito ba 'yung araw na umattend kayo ni Ara sa birthday ng isang kaibigan mo? "


Malungkot akong tumango.


"Oo. Hindi ko lang kasi napapakialaman ang cellphone ko nun tapos ang dami n'yang chat, text at ilang tawag rin. Pero hindi naman 'yun sapat na dahilan!."


"Oh baka naman may nagawa ka kasing hindi n'ya gusto? " tila nagiisip ito at tumayo pa.


"Ano naman? " naguguluhan kong tanong.


"I don't know. " nagkibit pa ito ng balikat. "Ikaw ang nakakaalam n'yan. Pero agree rin naman ako sayo. Napakaliit naman ng dahilan nun para tumigil agad s'ya, well.... kung talagang.... " huminto si Kyla at humarap sa akin.


"What? Talagang kung??? "


Malungkot itong napabuntong hiningi at saka umiwas. "Kung talagang hindi ka naman n'ya gusto. Malay mo prank lang pala lahat. "


Napasinghap ako sa sinabi ni Kyla.


Hindi nga malabong, baka nga ganon. Baka talagang hindi naman totoo simula palang? Baka sad'yang pinaglalaruan lang ako ni Josh. Ewan, baka gusto n'ya masubukan lang kung kakagat ako sa bitag nito.


Sobrang gulo na lalo ng isip ko.


Hindi naman ganon ang pinapakita ni Josh sa akin. Hindi ganon ang nararamdaman ko kapag magkasama kami. Lahat ay totoo para sa akin. Maski ang mga halik n'ya ramdam ko ang pagmamahal pero ngayon. Hindi ko na alam.


Ayoko agad isipin ng ganon pero dahil sa sinabi Kyla. Naiisip paano na kung ganun pala?


"You know what? Kesa magkulong ka dito. Ipakita mong kaya mo. "


"Huh? What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Lalong nangunot ang noo ko.


"Lumabas ka don. Huwag mo munang isipin ang lahat ng ito. Hanggat hindi mo alam ang katotohanan, huwag kang magpapabulag sa kasinungalingan. Huwag mong hayaang kainin ka ng kalungkutan. Kumilos ka. " tumayo si Kyla.


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon