Hindi ko namalayan ang oras at inabot na kami ng 3 pm kaya pagkatapos naming magchat ni Josh si mama naman ang kinausap ko sa laptop. Kamustahan lang naman ang ginawa namin. Pagkatapos ay naghanda na ako ng panghapunan namin. Kumain na rin ako para hindi na ako bababa mamaya.
Halos pinagkaabalahan ko naman ang pagbabasa ng mga libro ko sa nagdaang oras hanggang nakatulugan ko na ito. Hindi ko na nga naramdaman kong ginising ba ako nila papa para ayaing kumain man lang. Napakaantokin ko talaga.
Lumipas nag dalawang araw at halos paulit ulit lang ang ginagawa ko ang pagbabasa. Pakipagtawagan at pakikipagchat kung dati halos maboryo ako sa bahay namin ngayon ay iba dahil sa ka chat ko.
As the 2 days past by lagi kong ka chat si Josh. Ewan ko ba ang bait n'ya naman sa chat, sweet, at palakwento na ibang iba sa personal ni hindi nga siguro ako nun binibigyang pansin dati eh pero ngayon kung makareply! pa send pa lang ako may sagot na siya. Katulad nito ngayon ka chat ko na naman s'ya.Kumain ka na?
Chat nito tanghalian na kasi
Yes katatapos lang ikaw?
Maya maya nagluluto pa ditoI see.
Anong ginagawa mo?
Wala naman
tamang facebook
at ka chat ka.Ahhh
Ikaw?
Nanonood
Ng alin?
Avengers
Ah, sige manood ka muna nakakaabala ata ako.
Hindi naman,
napanood ko naman na to
inuulit ko lang.Ganon ba
Oo
Bakit hindi ka magbasketball?
Mainit sa labas
Sabagay
Pagdating sa chat napakarami n'ya ring tanong. Kagabi nga lang tinanong n'ya kung ano binabasa ko syempre sinabi ko sakanyang He's into Her. At gusto n'ya pang ikwento ko raw sakan'ya. Helllooooooo hindi aabutin ng oras ang pagkukwento ron at saka nakakatamad magtype ng mahaba.
Anong ginagawa mo?
Nagbabasa habang ka chat ka?
Ano namang binabasa mo?
He's into her
Ano yun?
Story yun!
Ano namang kwento?
Tungkol sa isang astig na babae at isang bully na lalaki
Kwento mo naman sakin
Ayoko ko nga ang habaaaa kaya non
Ay
Kumain na kayo?