2

496 137 87
                                    


"Tsk. " napalingon ako sa taong nagtsk na 'yun. Napailing iling pa talaga ito, pero tinarayan ko na lang.


Tumayo na ako para sumunod sa mga kapatid ko, na hindi ko namalayan  nauna na palang sumuong sa dagat, hindi man lang ako hinintay o sinabihan. Ganoon na ba ako? sobrang pagkamangha doon sa lalaking 'yun?.


"Tara ate laro tayo! " anyaya ni Grace sa akin na nakataas ang mga kamay, sinisinyas na lumapit ako sakanila.


"Kayo na lang maliligo ako." Sigaw ko ng pagtanggi.


Lumapit ako banda sakanila sakto lamang upang mabasa ang akin mga paa sa tubig.


"Dali na ate. Sumali ka na, wag kang maginarte " siring nito sa akin. Lumapit ito at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.


"Hindi ako nagiinarte!" inis na anang ko sakanya. Pinagsaklop ko ang aking mga braso sa aking dibdib.


"Oh, ede sumali ka!" wala na akong nagawa ng hilain niya ako. Sabay kaming lumapit sa mga kasamahan namin. Gustohin ko mang magprotesta kaso hindi ako binibigyan pansin ng kapatid ko.


"Kuya! ikaw din sumali ka na! " sigaw ng kapatid ko kay Josh, na paparating at papalapit na sa amin.
Napasimangot naman ako.

Kailangan talagang isali s'ya?


"Sige. " maikling sagot nito, tumango pa.

Hala?! Ay, walang pagtanggi? Basta sige lang? Ganon lang 'yun!?!!!  Ugh!!!

Nang makarating na sa aming pwesto so Josh ay nagsalita naman ang aking kapatid.


"Ok, ganito ang mechanics. Maghahabulan tulungan tayo then ang huling isa na hindi matataya s'ya ang madi-dare sa lahat, kung baga s'ya ang winner sa larong ito. Game! Walang madaya ha. Magmamaiba taya muna tayo, tapos kung sino ang  naiba ay s'ya na ang taya na hahabol. Habulan tulungan naman to eh, Kere na 'to guys! " masayang masaya na pageexplain ng kapatid ko.

"sige! " sagot ng mga boys.

"Yehey!" Jasmine.

Sumangayon ang lahat sa larong gusto ni Grace.

Nagsimula kaming ipinagpatong patong ang tagiisa naming kamay at sabay sabay itong itinaas at ibinaba. Sa sobrang swerte ko nga naman umpisa palang, ako na agad ang taya. Ako na agad ang naiiba sa lahat. Paano nakaharap ang lahat ng kanilang palad, maliban sa akin na nakataob.

Napasimangot na lang ako sa isiping ang daming hahabulin ko. Kahit pa habulan tulungan ito, kailangan ko paring manaya.


"Oh! Ate, ang swerte mo nga naman! Hahahaha " pangaasar sa akin ni Grace at talagang malakas pa ang tawa nito.


Nagtawanan rin ang iba kaya tinarayan ko sila sa inis ko.


"Shut up! " mas inis kong tinignan s'ya. Pero ang bruha nangiinis lang dahil mas inaasar n'ya pa ako. Mas lalo pang nilakasan ang pagtawa.

"Okiieeee." pangaasar pa lalo "pagbiling mo ate ng lima pwede mo na kaming habulin ha, pero magbilang ka muna para makatakbo naman kami." natatawang sabi nito habang umaatras na. Nanlumo ako dahil sa bilis ng ibang magsipagtakbuhan sa malawak na karagatan. Isipin mo sa dalampasigan pa kami mismo maghahabulan. Lulubog ang paa ko nito! Mahihirapan ako maghabol.

"Whatever." pagtataray ko, naipaikot ko ang aking mga mata.

Nang magsimula akong magbiling nagkanya kanya na silang takbo, kaya ng matapos ako magbilang ay hinabol ko sila.


Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon