28

218 36 10
                                    

"Ate?"


Nahinto kami ni Josh sa pagtawa  at nagkatinginan. Sabay kaming humarap sa tawag na 'yun.
Para akong naistatwa ng makita ko ang aking kapatid sa pintuan.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi man lang siya nagulat na makita kami ni Josh na magkasama. Samantalang ako gulat na gulat dahil nakita n'ya kami. Para nga akong nahuli sa pagkakasala dahil sa kabang nararamdaman ko.


Kanina pa ba d'yan si Grace? Anong ginagawa n'ya d'yan? At bakit pakiramdan ko bigla akong nainis.


"Kanina ka pa ba d'yan?" I asked. Pinagtaasan ko s'ya ng aking kilay.


Umiling ito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero nandito pa rin ang ibang pakiramdam. Isa na doon ang pagtataka.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko  habang nakataas pa rin ang kilay at curious na nakatingin sakan'ya. Para s'yang batang naubusan ng sasabihin sa itsura n'ya ngayon. Hindi ko alam kung nagpipigil lang s'ya magsalita o wala s'ya maisagot sa akin.


Kaso hindi ako nito sinagot bagkus nagtanong rin s'ya.


"Ikaw? ano ring ginagawa mo dito?"
Mas pinagkatitigan ko ang aking kapatid. Anong problema nitong si Grace parang hindi ko ata gusto ang aura niya. Mas lalong hindi ko gusto ang naging bagong n'ya! Ugh! Wala naman sigurong ibig sabihin 'yung tanong niya. Siguro nagtataka lang s'ya kung anong ginagawa ko dito, namin pala ni Josh.


"Naguusap kami ni Josh." sinagot ko s'ya sa maamong paraan.


"At this hour?" 


Mas napataas pa ang aking kilay at tila nakaawang ng kunti ang aking bibig.


"Binilhan ko siya ng milktea." si Josh na ang sumagot. Nakita n'ya siguro ang naging reaction ko kay Grace.


Nabaling naman ang tingin ni Grace kay Josh kaso parang iba. Iba ang tingin n'ya hindi ko maipaliwanag. Tumingin sa akin si Grace at sa milktea'ng hawak ko.


"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Muli kong tanong.


"Hinahanap kita. "


"Bakit mo ako hinahanap?"


"Ah.. Kasi.. 'Yung bulak mo?" Garalgal na tanong nito. Ano ba talagang problema ni Grace?! Sa pagkakaalam ko may kaniya kan'ya kaming gamit ah. At saka bakit kailangan kinakabahan magtanong.


"Meron ka namang sarili diba?"


"Ubos na! Manghihingi sana ako sayo kaya kita hinahanap."


Napatango naman ako sa sagot n'ya pero hindi ako naging konbinsido roon.


"Oh. I see, sa bag kong pink you can get there."  maarteng sagot ko. I give her a sweet smile.


Humarap ako kay Josh para sana muling magpasalamat sa pagbili n'ya sa akin ng milktea ng magsalita ulit si Grace.


"Hindi ka pa papasok Ate?"


Hindi ko ito hinarap. "Mauna ka na."
Hindi ko na nilingon si Grace kahit ramdam ko pa rin ang presensya n'ya.
"Salamat ulit dito." Sabi ko sabay pakita ng milktea kay Josh.


"Always welcome basta ikaw!"


"Oh sige na matutulog na ako."


"Good night."

Three Words Twelve LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon