01

279 30 5
                                    


                                        Prologue




"She's my favorite kind of vivacity. Her eyes, her eyes hold everything my soul desires for."



"He is serenity in a world full of madness. He was my exquisitely told story that was never written."













"How come that there is a certain pain that lingers every time your eyes meet mine, when I can't even recognize you anymore?"

                                                                           - Pamela R.











"Matcha Green Tea Crème Frapuccino, for Ms. Raia," pagtawag ng isang staff dito sa Starbucks.


Tumayo agad ako para kunin sa counter ang order ko, nakatambay ulit ako dito sa Starbucks habang nagssketch at tinatapos ang documentation ng naging event namin last week. Nang makabalik sa pwesto ko ay muli kong isinuot ang airpods at nagpatuloy sa ginagawa ko. Mas gusto kong gumagawa ng sketch sa coffee shop, namomotivate ako sa peaceful ambiance ng paligid, marami rin akong nakukuhang inspiration when it comes to aesthetic art, my favorite theme. Sabi din ni Samuel ay sadyang mahilig ako sa mga coffee shops kahit noong nasa Pilipinas pa lang kami. Sinabi din nya na mahilig akong tumambay sa mga clubs dati, karamihan doon ay takas pa at inuumaga pa daw ako ng uwi. Pero sa tuwing ikinekwento nya 'yon ay natatawa na lang ako, I can't believe na ganoon pala ako kapasaway noon.


Habang busy ako sa pagdedesign ng drinawing kong dress ay saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Samuel, isa sa mga katrabaho ko sa kumpanya at pinaka-kaclose ko sa lahat. Sabay kaming lumipat dito noong college at sabay din kaming grumaduate. Siya ang naging kasama ko simula noong tumira ako dito sa London.



["Where are you?"] bungad nyang tanong. Rinig ko pa ang ingay sa paligid, mukhang abala na naman ang mga tao sa opisina.



"Starbucks, doing some sketchy things. Why ba? Day off ko ngayon ah," nagtataka kong tanong.


["Punta ka dito sa firm, urgent meeting with other designers daw."] he let out a heavy breath, halatang walang interes sa sinasabi nyang meeting.


"Do I really need to be there? Call me na lang habang nagmimeeting para rinig ko. I have bunch of stuffs to do."

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now