37

10 3 0
                                    


"Tanga ka na," tumawa ako at umaktong ihahampas sa kanya ang bouquet.



"Tagal na," he shrugged.


"Gutom na ako. Nasan ang food? Huwag mong sabihin na uupo lang tayo rito?"



"Masarap kayang umupo," tumawa siya.



"Lalayasan kita dito,"



"Na naman? Kababalik mo nga lang sa'kin, aalis ka na naman?" he look down.



"Lalayasan kita dito, yun ang tinutukoy ko. Huwag mo'kong dramahan. Ilabas mo na ang pagkain," mataray kong sagot.



"Oo na, sandali kukunin ko lang." natatawa siyang tumayo sa pwesto nya.



"Nasaan ba ang pagkain? Parang wala naman dito," sinimangutan ko siya.



"Wala nga, kukunin ko pa sa baba."



"Tangina?" I glared at him, frowning.



"Ano na namang ginawa ko?" nagsalubong din ang kilay nya.



"Nasa baba? Alam mo bang nasa tuktok tayo ngayon? Bakit hindi mo na lang agad ipinaakyat dito kanina?" reklamo ko.



"Kung hindi mo'ko sinikmuraan kanina, baka naalala ko agad," sumagot siya ng sarkastiko.



"So kasalanan ko pa?"



"Hindi," napahilot siya sa sintido nya. "Kasalanan ko boss, kasalanan ko talaga. Pasensya na."



"Ano pang itinatayo tayo mo diyan? Dapat kanina ka pang bumaba para makuha na yung pagkain," sermon ko.



Nakita kong napaawang ang bibig nya at mas lalong kumunot ang noo. "Kinakausap mo'ko eh, malamang hindi ako aalis kasi sasagot pa ako,"



"So kasalanan ko na naman?" pinaningkitan ko siya ng mata.



Humakbang na siya paatras habang sapo ang ulo, halatang naiinis na. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinipigilan ang pagtawa.



"Ibang klase ka talaga," naiiling na natatawa nyang sagot bago maglakad palabas ng pinto.



May mga kasama na siya pagbalik dito sa rooftop, marami silang bitbit na pagkain, may kasama rin siyang violinist. Habang nakain kami ay tumutugtog ito sa likuran namin, hindi ko alam kung anong kanta 'yon pero maganda naman. Hanggang sa matapos kami ng pagkain ay hindi ko siya pinapansin, nasa pagkain lang ang buong atensyon ko.



"Kailangan ka huling kumain?" tanong ni Samuel habang umiinom na ako ng tubig.



I put my hand under my jaw and look above, thinking. "Ah, kagabi ata."



"Ano?"



"Anong ano? Kagabi nga ang huli kong kain,"



"Bakit?"



"Marami akong ginagawa, nawala na sa isip ko." kaswal kong sagot at tamad na sumandal sa upuan.


"Nagpapakamatay ka?" he mouthed sarcastically.



"Teka, inaano kita?" napadiretso ako ng upo at mataray siyang tiningnan.


"Hayaan mo, simula ngayon hindi ka na makakapagpalipas ng gutom," he smirked. "Mark my words."



"By Justin Bieber?" I mocked.



"Ibuhos ko sa'yo 'tong wine,"



"Taray mo naman, manang mana ka sa'kin. Bestfriend nga talaga kita," pang aasar ko pa.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now