34

16 3 0
                                    


Gabi na ng makabalik ako sa condo, after kong magshower ay nakatulog na rin ako dahil siguro sa pagod. Nag email rin sa'kin ang boss ko para ipaalam na may bago kaming client, papasok na rin ako bukas para mafinalize pa ang ibang detalye about sa project.


Nagmamadali na akong mag ayos dahil tinanghali ako ng gising, paglabas ko ng pinto ay halos mapasigaw ako dahil sa gulat. Naabutan ko si Samuel na nakasandal sa tabi ng pinto habang may dalang bulaklak, the moment he saw me ay mabilis nyang inayos ang sarili at inayos ang bouqoet na hawak. I just stared at him coldly, hahakbang pa sana siya palapit para ibigay sa'kin ang bulaklak pero marahan na akong umatras.


"Malelate na ako sa trabaho ko, umalis ka na." I said in a low voice, nakita ko ang mabilis na pagbagsak ng ekspresyon nya pero mabilis ding binawi ng maliit na ngiti.


I already knew him enough and I know when he's faking a smile or not.


"Ihahatid na kita," he urged in a firm voice, "Kung gusto mo, susunduin na rin kita mamaya. Let's have a dinner, parang gaya lang nung dati?"


"I have my own car, kaya ko ang sarili ko." diretso kong sagot. "And.... many things already happened, no one stays the same.... either us."


Mabilis ko siyang tinalikuran ngunit napahinto sa muli nyang sinabi.


"Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa'yo, alam mong hindi ko ugali ang pagsuko."


Nagpatuloy ako sa paglalakad, mas mabilis, ayokong maabutan pa nya ako.


"Welcome back!!!" Denice exclaimed cheerfully when I arrived in the office.


"Boses mo, masyado kang eskandalosa," tumawa ako at siniringan siya, dumiretso ako sa desk ko habang nakasunod siya sa'kin.


"Namiss lang eh, arte mo. Anyway, 30 minutes before the client meeting, fix your stuffs," paalala nya sa'kin bago bumalik sa pwesto nya.


Nauna na akong pumunta sa board room para iprepare ang mga gagamitin namin para sa presentation, hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga client at nagsimula na ako sa pagpepresent ng mga ideal designs for their collection. Halos lahat ng mga iprinesent namin ay nagustuhan nila, may ipinaadjust lang din sila na designs para sa ibang outfit dahil medyo hindi angkop ang design sa theme.


"Nangangamoy promotion ah?" malokong asar ni Denice habang pabalik na kami sa desk namin.


"Ayokong umasa, alam mo namang marami kaming pinagpipilian,"


"Favorite ka kaya ni madam, tingnan mo nga, sa'yo binigay 'tong project," she teased.


"Paano naman kasi ibibigay sa iba, eh may kanya kanya ng project ang mga 'yon? Baka nakakalimutan mong matagal rin akong nawala, kumbaga bumabawi pa lang ako ngayon," I frowned lazily.


"Ewan ko sa'yo! Ang nega mo, pustahan tayo ikaw ang mapopromote?" panghahamon nya.


Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now