43

14 3 0
                                    


"Pilipinas?" my brows furrowed. "Bakit sa Pilipinas pa?"


Natigilan ako sa paghihilamos ng marinig ang sinabi ni Samuel. Kagigising ko pa lang pero maaga siyang nagpunta sa dito sa unit para sabihin ang ibang detalye ng kasal. Nakaupo siya sa gilid ng kama mo habang ako ay nasa loob ng cr.


"Nandoon ang pamilya natin," sagot nya. "Doon na rin gaganapin ang engagement party."


"They could come here for the wedding, walang kaso 'yon. Mas magaganda ang church dito tsaka mga venues." katwiran ko.


"Bakit ayaw mong umuwi sa Pilipinas? May problema pa rin ba hanggang ngayon?" I heard the irritation in his tone.


"Wala." lumabas ako sa cr, hindi siya tinapunan ng tingin. "Ayoko lang ng hassle."


"Walang magiging problema. Ako ang bahala sa lahat." paninigurado nya.


"Wait, bakit kasi ikaw ang nag aasikaso nyan? Hindi ba dapat, babae ang in charge diyan? Or kukuha na lang tayo ng event organizer sa engagement party at sa mismong wedding? Mas mababawasan pa ang stress natin."


"I wanted to make sure that everything will be on its own place. Gusto kong ako mismo ang umasikaso sa kasal natin, ayokong mapagod ka. Don't worry, wala kang ibang dapat alalahanin kundi iprepare ang sarili mo." I saw him smiled.


"How about my wedding dress? Dress nina Harriet?" Umupo ako sa tabi nya habang nagpupunas ng mukha.


"Do anything you want. It's your dress, you're the one who's going to decide, ganoon rin sa susuotin nina Harriet." he kissed my forehead. "I have to go, we have an early meeting.... I love you."


"Take care," bumuntong hininga lang ako.


Naramdaman ko na naman ang antok, medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil madaling araw na kaming nakauwi ni Denice. Girl's night out lang.


Masaya lahat ng taong nasa paligid ko dahil sa nalalapit naming kasal ni Samuel. Kaya kahit papaano, nagiging masaya na rin ako. Pero hindi pa rin buo ang loob ko sa pag uwi namin sa Pilipinas.... pakiramdam ko, babalik na naman ang lahat.... maaalala ko na naman ang mga bagay na pilit ko ng kinalimutan. Natatakot ako, baka may masaktan na naman.


"Grabe!! Nakakamiss ang amoy ng airport dito! Iba ang ihip ng hangin!" Denice exclaimed the moment she set her foot out of the plane.


"Lumakad ka na nga! Binabanas na ako, nakalimutan kong summer nga pala ngayon dito. Bwiset!" nilampasan ko siya habang hinuhubad ang suot kong trench coat.


"Sinong tanga naman kasi ang nagsabing magtrench coat kahit alam na sa Pilipinas pupunta? Girl, kahit nga bagyuhan dito, mabanas pa rin." imik nya habang habol habol ako sa paglalakad.


Nasa likuran naman nya ang body guards habang bitbit ang mga gamit namin, kinuha sila ni Samuel para siguraduhing hindi kami magkakaproblema sa pag uwi dito. Marami pang inaasikaso si Samuel sa London kaya nagpaiwan muna siya, pero susunod rin naman daw siya kaagad.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now