18

43 3 0
                                    

Today is my day. Hopefully....



Papunta na ako sa mansyon ngayon, hindi na ako nagdala ng extrang damit dahil wala naman akong planong matulog doon. Dumaan na din sa unit ko kanina si Gwen para batiin ako at ibigay ang regalo niya dahil hindi siya makakapunta sa dinner, may importante daw siyang lakad. Pagpasok sa gate ay napansin kong wala ang guard, siguro ay may iniutos lang si dad. Pagdating sa mansyon ay naabutan ko si mom na abalang nag aasikaso sa kusina, nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisnge.



"Happy birthday, sweetheart," nakangiti niyang bati sa'kin.



"Thank you," simple kong sagot. Nagpaalam muna ako para pumunta sa garden, sumalubong sa'kin si dad kaya agad akong yumakap sa kanya.



"Happy birthday," masayang bati ni dad at humalik rin sa pisnge ko, mas hinigpitan ko naman ang pagyakap sa kanya.



"I love you, dad," mahina kong sagot habang pinipilit na pigilan ang pagpatak ng luha ko. Dahil ng makita ko siya ay naalala ko agad ang mga nalaman ko nung nakaraan. He's a good husband and a good father and he didn't deserve that kind of betrayal, especially from my mom.... whom he love the most.



"I love you too, my angel.... are you okay?" tanong ni dad kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti.



"I'm okay. Namiss lang kita,"



"Lagi naman akong umuuwi tuwing birthday mo, Tracy," he smiled. Muli akong napangiti at niyakap siya.



"Thank you for everything, dad," halos pabulong kong sabi.



"You're welcome.... are you sure na okay ka lang? You're acting weird," nag aalalang tanong ni dad.



"Okay lang ako," tipid akong ngumiti, tinulungan ko na lang siya sa paghahanda ng mga wine sa lamesa. "By the way, bakit walang guard sa gate?" tanong ko.



"Nag off muna ang guard ngayon kasi may emergency daw, pinayagan ko na kasi nandito naman ako, pero babalik agad 'yon bukas,"



Sa garden area nakaset up ang isang mahabang lamesa, mas pinili kong dito na lang sa garden ang place para may sariwang hangin. Halos tapos na sa paghahanda ang mga maids ng dumating sina Harriet at Raven. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin sina Dylan, Aki at Evor. Masaya naman silang sinalubong ni dad, nakipagkwentuhan pa ito sa kanila sa living room habang kami nina Harriet ay tumambay muna sa kwarto ko sa taas. Abala lang ako sa pagccp habang ang dalawa ay abala sa paghahalwat sa closet ko.



"Omg! Tingnan nyo 'to oh! Ang cute natin!" Harriet exclaimed habang may hawak na isang album. I know that album, puro picture namin 'yon nina Harriet since grade school, pinagsama sama ko lang ito sa album noong nag highschool na kami.



"Ang taba ng cheeks ni Sept dito," Raven laughed kaya lumapit na rin ako sa kanila para tingnan ito. Picture namin 'yon noong grade school, intramurals namin that time. Nagkatuwaan lang kaming apat na pumasok sa isang booth and then 'yon, ang dami na naming naging pictures.



"Tingnan niyo din 'to oh! Ito yung time na pare parehas tayo ng hairstyle!" tumatawang sabi ni Harriet, agad naming tiningnan ito at marahan akong natawa ng makita ang itsura namin. Pare parehas kaming naka pigtail ang buhok at nakawacky pose sa harap ng camera, nakaakbay pa sa'kin si Raven at parehas kaming naka peace sign habang si Harriet at Sept ay parehas nakadila.



Napangiti ako ng maalala ang mga pinagsamahan namin noon, pero agad ding napalitan ng lungkot ng maalala ang mga nangyayari ngayon, well I guess.... we aren't kids anymore.



Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now