46

18 3 0
                                    


"Bakit may kandado na 'to!?" nagulat kami sa malakas na sigaw ni Harriet, nauna siyang bumaba ng sasakyan habang kinukuha pa namin ang mga pagkain.


"Oh, I almost forgot," napakamot ako sa pisngi ko. "May nakabili na nga pala ng lugar na 'to,"


"Sino!?" sabay sabay nilang tanong.


I slowly flashes a smirk while showing the bunch of keys in my hand.


"Oh, shit," hindi makapaniwala ang reaksyon ni Raven.


"Kailan mo binili?" Sept asked, looking confuse.


"I didn't," nagkibit balikat ako. "Someone bought it for me."


"Gago!? Binilhan ka ni Samuel ng ganito!?" halos manlaki ang mata ni Harriet.


"Trevor," tinalikuran ko sila at sinusian na ang kandado.


"Oh my gosh!!" Harriet shouted at hinampas ako sa braso. "You really need to make your decision as soon as possible!"


Hindi na ako umimik hanggang sa makapasok kami sa loob, sobrang nakakamiss dito. Sobrang ganda pa rin lalo na at gabi, liwanag ng buwan ang nagdadagdag ng ganda sa paligid.


"Hayy, it's been a rough journey 'no?" Sept lean her head on my shoulder habang magkakatabi kaming nakahiga sa blanket.


"Huling beses na pumunta ako dito, noong college pa tayo. Eto pa rin ang pinaka paborito kong lugar sa lahat, puro masasaya ang memories dito, hindi katulad nung ---" she paused. "W-wala.... basta."


"Okay lang 'yan, iiyak mo na. Gusto mo, sabayan pa kita." Raven said in a quiet voice.


"Hindi ko na alam. Ang hirap matulog sa gabi, kahit ilang bote ng alak ang ubusin ko, grabe pa din umatake ang sakit," narinig ko ang pagsinghot ni Harriet sa tabi ko, "Pagod na pagod na ako, alam nyo ba 'yon?"


"Pinanganak lang ata tayo para mapagod," Sept whispered.


"Pinanganak lang tayo para masaktan, para kalimutan.... iwanan," Raven's voice broke.


"Wala tayong choice," tipid kong sagot. "Or should I say, may choice naman talaga.... ayaw lang nating piliin dahil hindi 'yon ang totoong gusto natin. Nagsesettle lang tayo sa kung anong sa tingin natin ay tama, dahil natatakot tayong magkamali."


We stayed in the lighthouse for a couple of hours. Hindi na ako sumali sa inuman nila dahil ako ang magdadrive.


"Ilang alak pa ba ang kailangan kong inumin para bumalik ka na sa'kin!?" Sept shouted while sitting near the big tree.


Sina Harriet at Raven ay nasa pinaka harap, malapit sa bungad ng bangin kung saan malapitang natatanaw ang dagat. Doon sila nakatambay habang umiinom.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now