35

19 3 0
                                    


I can't sleep. Ilang oras na akong tulala habang nakaupo dito sa sahig ng balcony ko at umiinom sa hawak kong vodka, pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako tinatamaan ng antok. Kung ibang pagkakataon siguro 'to, baka kanina pa akong bagsak.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang message nya kanina.... alam kong siya 'yon, siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng ganoon. Agad ko rin namang dinelete 'yon dahil baka mareplyan ko pa, kahit gustong gusto ko, hindi ko na pwedeng gawin.... ayoko na. Ilang linggo na rin ang nakalipas noong iniwan ko siya sa New Jersey, simula non ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya, hindi ko na rin naman sinubukan pang alamin kung nasaan siya o kung ano na bang nangyari sa kanya simula nung umalis ako. Ano pa bang dahilan para alamin ko ang lahat ng 'yon?


I know that he's doing fine right now..... I hope he's doing fine.



Sinubukan kong mag umpisa ng sketch kanina pero hindi ako makafocus, pakiramdam ko'y distracted ang utak ko, hindi ko alam ang dahilan. Muli akong uminom ng vodka at padabog na isinandal ang ulo ko sa saradong glass door, naramdaman kong masakit ang pagkakauntog ko pero hindi ko na 'yon ininda, sa lahat ba naman ng sakit na naramdaman ko, dun pa ako magrereact?



Para akong lantang gulay na nakalupagi dito sa sahig, tahimik ang paligid, wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Nagtry ulit akong tawagan si Lara kanina para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi talaga siya sumasagot. Pupuntahan ko na siya sa ospital bukas, maganda na rin na hindi muna nya alam para surprise.



Dala ko ang isang pink teddy bear at dalawang paper bag habang naglalakad sa hallway ng ospital, I'm so excited to see her. Dumiretso ako floor kung nasaan ang kwarto nya pero nagtaka ako ng matanaw kong bukas ang pinto nito at tila may inilalabas na mga gamit. Mas binilisan ko ang paglalakad at sinilip ang loob ng kwarto ni Lara, halos bakante na ang buong kwarto, wala na ang mga gamit nya at iba na rin ang cover ng bedsheets. Isa isa na ring inilalabas ng mga nurse ang machines na noon ay ikinakabit kay Lara sa tuwing may sumasakit sa kanya.



"Hi, excuse me," bati ko sa babaeng nurse na lalapitan sana ang isa pang nurse para tulungang ilabas ang isa pang machine, "Uhh, alam nyo ba kung nasaan yung dating nag ooccupy ng room na 'to? Saan siya inilipat?"



"Ah, pasensya na po mam, hindi po namin alam. Nautusan lang kami na ilabas itong mga equipment dahil may iba ng gagamit nitong kwarto. Kung gusto nyo po, itanong nyo doon sa main reception." magalang na sabi ng nurse at ipinagpatuloy na ang ginagawa.



"O-okay, thank you." huli kong sagot at ngumiti lang ito bilang pagtugon.



Habang nakasakay ako sa elevator ay naramdaman kong unti unting bumibigat ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako, sana walang nangyaring masama. Sana wala.



Pagbukas ng elevator ay agad kong natanaw ang isang pamilyar na mukha, may kausap ito at mukhang pormal. Mabilis akong lumabas sa elevator at naglakad palapit sa kanya. Yes!! I remember her, siya ang nurse ni Lara, siya ang nagtutulak sa wheelchair nito noong makita ko siya sa garden.



"Hi, excuse me," I greeted in a formal voice ng tuluyan ko siyang malapitan, napatingin siya sa'kin at saglit pa akong tinitigan bago ngumiti, mukhang natatandaan na nya ako. Nagpaalam na rin siya sa kausap nya.



"Hi.... Ms. Victoria?" she asked, mukhang nagulat.



"Yeah, and just call me Victoria, hindi naman kailangang maging formal," I smiled, "Ikaw ang nurse ni Lara diba? Saan ang new room nya dito? Pinuntahan ko na kasi yung dati nyang room kaso lang may iba na palang gagamit. How is she? Is she recovering already?" sunod sunod kong tanong dahil sa excitement.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now