Chapter 49

256 14 0
                                    


Chapter 49:





•••
•••











"Pagsapit ng gabi... Aatake ang mga Demons... Madaming madadamay... At mababasag ang pinangangalagaan nila... Ang Diamond Crystal Pearl..." at katahimikan naman ang namayani sa buong kwarto ni Andromeda. Ibigsabihin, mamayang gabi na? "... Mamayang gabi... Luhhh! Naalala ko yung lesson namin sa History Ate Aria... Na si Goddess Andromeda ang babasag sa Diamond Crystal Pearl! Ihhhh ikaw ngayon si Andromeda? Eh ikaw ang babasag sa Diamond Pearl nayun? Nahh! Pano nayan?" Oo Diane. Alam ko, dahil yun din ang sabi ni Maiden Ria. Na si Andromeda ang bumasag sa Diamond Pearl. Pero, pwede naman sigurong baguhin?

"Ngunit... Pwede naman sigurong hindi ko na lang babasagin... Dahil sa oras na basagin ko yun... Ipapadala nila agad ako sa Dark Hell at pag natuloy yun... Hinding-hindi na natin mahahanap ang Time Stone."

"Pwede din naman Ate Aria... Pero kase... Mababago ang tagpo ng kapalaran."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong. Huminga muna ng malalim si Diane bago nagsalita.

"Nakita kase kita na pumasok ng Library nun... Dun sa pinakadulong books-shelf... Kaya sinundan kita noon... Nung umalis kana... Naghanap ako ng libro tungkol sa... Tungkol sa ibigsabihin ng pag change ng color ng buhok ko..." Oo, naalala ko yun. Nung pumunta ako sa dorm niya, nang hinawakan ko ang libro niya sa study table niya at nakita ko sya dun mismo sa library. Tss! "... Tapos may nakita pa akong isang libro nun... Binasa ko... At ang sabe, sa oras na bumalik man daw tayo sa nakaraan ay hinding-hindi natin yun pwedeng pakialaman. O babaguhin... Dahil sa oras daw na baguhin natin ang tagpo ng kapalaran ay kung anong meron tayo ngayon... Ay mawawala... Babalik tayo kung saan tayo nag-simula... Kaya hinding-hindi natin pwedeng baguhin ang kapalaran na ibinigay na satin Ate Aria... Kung nasa kapalaran na talaga ni Goddess Andromeda ang basagin ang Diamond Pearl nayun ay kailangan mong gawin din yun... Dahil yun na ang nakatadhana sa kanya... Dahil pag hindi mo yun ginawa... Walang mabubuong Six Stones sa hinaharap natin... Walang mabubuong Academy... Dahil sa nabasa ko dun sa libro... Ay nang dahil sa Stones na nayun, ay yun daw ang dahilan kung pano nabuo din ang 'Lustrous Academy' ang Academy na kung saan tayo ngayon nag-aaral... Ang Academy na kung saan ay nabuo ang unang Henerasyon ng Supreme Class. Yung mga Pamilya nina Hilary. Sila din ang dahilan kung pano tayo nabuo... At kung babaguhin natin ngayon ang kapalaran... Hindi na tayo nag-eexist sa lugar kung asan man tayo ngayon... At hindi din natin alam kung makakabalik pa ba tayo o manananatili na tayo dito nang Habang-Buhay." napakurap ako ng tatlong beses. Pinapasok ko pa sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Diane.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum