Chapter 58

253 14 0
                                    






Chapter 58:








•••
•••














Sinamaan naman ako ng tingin ni Vincent. Ako naman napa smirk. Nakita ko syang napa smirk din at sa bilis ng pangyayari ay sinasakal na ni Vincent si Diane! Punyeta! Si Vincent nga ba to?! Sa tingin ko kase ay HINDI! Ibang-iba nato. Ang kilala kong Vincent maingay at puro daldal. Naalala ko yung una naming pagkikita. Sya pa yung unang nagpakilala sakin. Feeling gwapong close. Tss! Mukha din syang bakla. Oo! Pero ngayon. Ibang-iba. Basta! Hindi sapat ang 'iba' lang na words para edescribe na hindi na nga sya ang kilala kong Vincent.

'A-arayy ko n-naman... Ate A-aria... Ang h-higpit ng pagkakahawak ni K-kuya sakin—'

'Hindi mo sya kuya, Diane! Dahil ang kuya mo ay hindi ka sasaktan...' para bang may ibang sumapi na kaluluwa sa katawan ni Vincent. Yun ba yung Dark Magic na meron sa kanya? Madaming tanong ang gusto kong itanong kay Vincent. Pero wala na kameng oras. Mawawalan ng hininga si Diane pag mas hinigpitan pa lalo ni Vincent ang pagsasakal sa kanya. Bigla nalang akong may naisip na paraan. Napasmirk naman ako. Tss! '... Gamitin mo ang Light Ark ko Diane... At sisiguraduhin mo na masisilaw sya Diane... Kuha mo?' kahit medyo nahihirapan sya ay nagawa niya pading tumango. Nagbilang ako sa isip ko. 'Isa.....' umatras ako ng isa. '... Dalawa...' nagtataka si Vincent sa ginawa ko. '... Tatlo!'

At nakita ko na biglang umilaw ang kamay ni Diane kaya nabitawan siya ni Vincent dahil kung sino man ang titingin sa light nayun ay pansamantalang hindi muna makakita. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na esummon ang Crystal Bow ko at ang Arrow nanireleased ko ay Lightning Spear. Yumuko si Diane para hindi sya matamaan. Parang naramdaman ata ni Vincent ang paparating na spear ko kaya nagawa niyang iwasan pero nadaplisan ang pisngi niya. Kumukurap-kurap muna sya para makapagadjust na. At nang tumama ang tingin niya sakin. Hindi na ako nagdalawang isip at nagrelease ako ang Arrow papunta sa kanya. Pero inilagan niya lang yun. Tss! Pero ang hindi niya inasahan ay bumalik sa kanya ang Arrow ko. Dahil sa Wind ni Diane na kinontrol niya. Tss! Sinabihan ko si Diane na wag itusok sa kanya. Daplis lang. Dahil wala kong intention na patayin sya. Hindi muna sa ngayon. Dahil may kailangan pa syang malaman.

Kaya habang distracted si Vincent sa daplis ng sugat niya ay umatake ako papunta sa kanya. Sinummon ko ang Sword ko. Nakita niya ako. Kaya gumawa sya ng Ice Wall para hindi ako makadaan. Pero tumalon ako paitaas kaya nadaanan ko ang Ice Wall na gawa niya. Diretsya ko syang sinalubong ng espada ko pero nagawa niya namang isangga ang IceSword niya. Yumuko ako. Sabay sipa ko sa tiyan niya. Napaatrad naman sya. Sinamaan niya ako ng tingin. Nagrelease sya ng maraming Matutulis na Ice at sabay-sabay niyang tinapon sakin. Sa sobrang dami nun ay hindi ko kayang pigilan yun gamit ang espada ko kaya gumawa nalang ako ng Light Barrier kaya hindi ako natamaan.

Tinanggal ko na ang Light Barrier. At gumawa ako ng Light Ball saka tinapon ko yun sa kanya. Hindi pa ako nakontento at nagreleased ako ng Purification Arrow. Isang maliwanag naman na arrow ang sumalubong sa kanya. At nadaplisan ang kaliwang pisngi niya kaya dumugo ito. Gaya ng sinabi ko. Wala akong intention na patayin sya. Ang gusto ko lang ay mahuli sya. Nang nakabawi sya ay nagreleased sya ng IceBall. Malaki! Punyeta! Kaya gumulong ako para iwasan yun. Nagreleased nanaman sya. Kay wala akong nagawa kundi ang mag summon ng Chain tinapon ko yun sa IceBall na paparating itinali ko yun saka hinila. At pina-ikot ko. Pagka-ikot ko dun ay kumuha ako ng pwersa at diretsya ko yung ibinalik kay Vincent.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now