Chapter 57

256 13 0
                                    

Chapter 57:






•••
•••











"Anong ginagawa dyan ni kuya Vincent?!" kaya napalingon nalang ako sa Hologram. Kumunot ang noo ko sa nakita ko. May dala si Vincent na—teka! Ako yan ah! Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"I send their the fake Aria and Diane." nakangang namang napatingin si Diane kay Sophia. Parang manghang-mangha syang narinig ang sinabi ni Sophia.

"Ano pong gagawin ni kuya vincent?." nag-aalalang tanong ni Diane. Walang sumagot sa tanong niya dahil titig na titig lang kame sa hologram. Pero may napansin ako. Iba ang awra ni Vincent. Ewan pero parang gusto kong makita ng malapitan. Kaya hinawakan ko kaagad si Diane saka ginamit ko ang Light Teleportation ko. Narinig ko pa ang pagtawag nina Sophia at Duchess Reina kaso huli na sila. Nawala na ako at namalayan ko nalang na andito kame mismo sa second-floor ng training building. At mula dito sa pwesto namin ay kitang-kita namin ang natigil na labanan dahil sa biglaang pagdating ni Vincent.

"What are you doing?!" pasigaw na wika ni Walter. Pero ang mas ikinagulat ko nang pinaluhod ni Vincent ang pekeng Aria sa harapan niya saka itinutok ang Ice Dagger niya. Nakapalibot naman ang mga Grim Reapers sa mga Royalties at Royal Blood. Nakikita at naririnig namin sila pero hindi nila kame nakikita dito.

"S-si kuya ba t-alaga yan Ate A-aria?..." naiiyak na rinig kong wika ni Diane. Tiningnan ko sya saglit at nakikita ko sya na basang-basa na ang mukha niya. "... Kase kung a-ako ang tatanungin... S-sa tingin ko po... I-ibang kuya na po a-ang nasa harapan k-ko." hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya saka hinayaan syang umiyak sa dibdib ko. Pinipigilan niyang gumawa ng tunog para hindi kame mapansin dito.

Ako yung naaawa kay Diane. Bukod sa lumaki syang hindi niya kasama ang totoong pamilya niya. Ay wala din pala syang alam tungkol sa totoong pagkatao ng kuya Vincent niya. Hindi niya alam na may dugong Witch ang kuya niya. At lalong-lalo na hindi din niya alam kung sino sya. Tss!

"Kuya..." tawag ng pekeng Diane. Kaya bumitaw muna si Diane sa pagkakayakap sakin para panoorin ang susunod na mangyayare. "... Kuya... B-bitawan mo po si Ate Aria..." ano kayang ginawa ni Sophia sa clone nato at parang gayang-gaya talaga? Tss! Nakita kong umiling-iling ang si Vinceng kaya nagsalubong ang kilay ko. "... K-kuya."

"Hinde!... Hinding-hindi ko bibitawan si Aria!" sigaw ni Vincent. At tama nga ang nakita ko sa kanya. Napapalibutan sya ng itim na Mist.

"Let go of Aria!!!..." isang maotoridad na boses ang narinig ko. "... Or else hindi ako magdadalawang isip na patayin ka Vincent!" galit na galit na sigaw ni Fyre.

"Youre traitor!" sigaw ni Jessel habang pinipilit padin tumayo.

"Pinaniwala mo kame Kuya Vincent na kaibigan ka talaga namin ni Aria... Tapos ikaw lang din pala ang may kasalanan kung bakit to nangyare! Anong klase kang kuya—" hindi na natapos ni Hilary ang sasabihin niya nang hinagisan sya ng Icicle ni Vincent. Mabuti nalang at nagawa yung pigilan ni Eiron.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now