Chapter 59

284 17 0
                                    






Chapter 59:








•••
•••











Sabay kaming tumango ni Minerva at pagharap ko sa Demon Beast na galit na galit na umatake samin ay tinira ko sya ng Purification Arrow kaya sa sobrang liwanag nun ay hindi na nailagan ng Demon Beast at tumama yun sa bandang dibdib niya. Sakay ang Magician Spirit ni Minerva na White-Blue Eagle ay inilipad sya nito papunta sa isa pang Demon Beast. Sa kanya at isa at akin naman ang isa. Hindi din ako masyadong nakakapagfocus dahil may aatake din saking Grim Reapers kaya uunahin ko muna yun. Pero nagulat nalang ako nang pinalibutan ako nina Hilary, Diane, Jessel, Ronnie, Walter, Eiron, Fyre at Cylex. Ang mga Royal Bloods. Sila ang pumapatay pag may lalapit na Grim Reapers. Kaya napangiti nalang ako dun.

Binalingan ko na agad ng tingin ang isang Demon beast. Hinihintay niya pala akong umatake. Tss! Nakikita kodin sa pheriperal vision ko na gamit ang Magic ng Magician Spirit ni Minerva ay nagagawang gumawa ito ng Whirl-Wind. Oo, tama kayo. May mga Magic ang Magicians Spirits. Kaya tinira ko ulit ang Demon Beast na kaharap ko ng Purification Arrow kaya gaya din kanina at sa sobrang liwanag nito hindi niya nailagan. Tumama yun sa leeg niya kaya napa-ungol nalang sya. Kaya hindi ko sya binigyan ng pagkakataong lumaban. Lumipad ako sa ere pinalitan ko ng espada ang Crystal Bow ko at sinugatan ko ang braso ng Demon Beast. Lumipad ako paatras. Tss! Binigyan ko ng pagkakataong gumalaw ang Demon Beast. At nabigla ako sa ginawa niya. Nagpalabas sya ng Black-Mist sa bibig niya kaya napatalon nanaman ako paatras. Kung hindi ko pipigilan ang Black-Mist na inibuga niya ay kakalat to sa buong Open-Field. Kaya bago pa man yun kumalat. Ay pinikit ko ang dalawang mata ko.

'Silver... I need your help...' pagkasabi ko nayun ay naramdaman ko na parang nag-iba na ang kulay ng lenses ko. Mula sa likod ko ay lumabas sa ere ang isang White-Blue Fox ko. Ang Magician Spirit ko. Maliit lang sya pero wag mong maliitin ang Magic ng Fox ko. Tss! '... Silver! Froze that Black-Mist.' at unti-unti ko nang nakikita na sinunod ni Silver ang inutos ko. Ginawa niyang Ice lahat ng black-mist at bago pa man yun na matamaan ang ibang kasama namin sa gawa niyang Ice ay minelt niya ka agad. Kaya napangiti naman ako dun.

Sa totoo lang. Matagal na talaga akong may Magician Spirit. Syempre! Kung tinago ko ang totoong pagkatao ko ay pati ang iba sakin ay itatago kodin. Nasa ulohan ko si Silver. At napasmirk nalang akong nakatitig sa Giant Beast na galit na galit ang pulang matang nakatingin sakin. Gumawa ng maraming Ice na matutulis si Silver. Nakaka-usap ko si Silver gamit ang isip ko. Kaya yun siguro ang dahilan kung bakit pati ibang mga hayop ay nakaka-usap ko samantalang sina Hilary ay hindi naman.

Tumusok sa harapan ng Giant Beast ang mga matutulis na ice na ginawa ni Silver. Kung nagtaka din kayo kanina kung pano ako nakagawa ng Ice? Yung kalaban ko si Vincent? Ay kase pinapanood lang ako ni Vincent. Hinihintay niya ang sasabihin ko bago sya lalabas. Kaya habang pinapanood niya ako. Sinusuportahan niya ako...

Umungol ng malakas ang Giant Beast hindi pa man sya nakakabawi ay nagsummon ako ng Chain at patumbling akong lumipad sa ere papunta sa kanya at pinulupot ko ang mahabang chain sa leeg ng Giant Beast. Nagwala naman ito. Nasa balikat ako ng malaking Giant Beast. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal ko. 'Silver!' gumawa ng Malaking Ice na matutulis si Silver. Saka diretsya niyang itinama sa dibdib ng Giant Beast. Muntik na akong matamaan ng malaking kamay ng giant beast mabuti nalang ay tumalon kaagad ako sabag dala ko sa Chain. Pero gumamit agad ako ng Light Teleportation at sabay summon ko sa Sword ko tinusok ko ang kaliwang mata ng Giant Beast kaya napaungol nanaman ito. Umatras muna. Lumayo ako ng ilang metro dahil nagwawala ito.

Pero nagtaka ako nung pilit pinapalapit ni Minerva ang isa pang Giant Beast na kalaban niya sa Giant Beast na kalaban ko. Gamit ang malakas na hangin ng Eagle niya ay pinapatabi niya ang magdalawang Giants Beast. Pa back-bending na lumapag sa tabi ko si Minerva. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya. Pero tiningnan niya ako ng may meaning. Tss! Umiwas agad ako dahil mukang nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. 'Silver!... Froze that Giants Beast...' hindi na nagdalawang isip si Silver—ang White-Blue-Fox ko ay hinawakan niya ang Lupa saka dahan-dahang tumataas ang mga Ice sa katawan ng dalawang Giants Beast. Masyadong malaki ang Giants Beast kaya matatagalan si Silver. Nagkatinginan naman kame ni Minerva sabay tango. Lumutang kame sa ere. Pinantay namin ang taas ng Giants Beast. Nasa tiyan na ang Ice na gawa ni Silver. Masyado ding matigas ang Ice ni Silver kaya hindi ito mababasag ng basta-basta lang. Nag face-to-face kame ni Minerva. Nakita kong nagsimula nang mag-iba ang kulay ng lenses niya. Kung sakin ay Crystal-White, sa kanya ay parang Crystal Yellow. Parang Gold. Ganun. Kaya huminga ako ng malalim. Matagal-tagal nadin bago namin to ginawa.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon