Chapter 37

258 15 0
                                    









Chapter 37:







•••
•••













Hindi ko na tinuloy pa ang pag-iikot dito sa Academy. Sa sobrang lawak at laki nito siguro aabutin ta ako ng One week. Tss! Kaya ngayon, naglalakad ako dito sa Arcadia. Wala masyadong pumupunta dito kaya yun ang pinagtataka ko. Maganda naman dito, tahimik. Pero bakit hindi man lang nila kayang pakinabangan? Tss! Sa bagay. Ang Arcadia pala nato at hindi lang nag-iisa. Meron pa na medyo malapit-lapit sa Dorm and Class Buildings namin. Etong area kase kung saan ako ngayon ay medyo malayo-layo to sa Main Area, kaya wala masyadong pumupunta dito.

Mag-isa lang akong naglalakad ngayon. Balak ko na sanang bumalik na sa Klase. Kahit na late na nga ata ako ng ilang minuto. Wala din akong nakakasalubong kahit na isang magicians man lang. Sariwa lang hangin na nalalanghap ko. Maganda ang simoy ng hangin. Maganda ang sinag ng Araw. Hindi masyadong mainit, hindi din masyadong madilim ang kalangitan. Normal. In short, maganda kung titingnan.

Pero agad akong napahinto sa paglalakad nang may naririnig akong mga boses na parang sumisigaw. Pinakiramdaman ko ang paligid saka ko pinuntahan ang lugar nayun.

"Ang dapat sayo! Mawala sa mundong to! Youre not belong here Diane!... Youre just a messed!... Gulo lang ng dulot mo dito!" habang papalapit ako sa lugar nayun ay mas lumalakas na ang sigaw. Teka! Tama naman siguro ang narinig ko? Diane? Sinong diane bayan? Madaming Diane dito sa mundo.

Kaya tinakbo ko nayun. At pagdating ko sa hindi familiar sakin na na Garden. Ngayon ko lang nakita ang lugar nato. Hindi sya masyadong gubat. Kundi isang tahimik at magandang garden. Pero sa ngayon, hindi ko sya matatawag na TAHIMIK na Garden. Sa sobrang ingay ba naman ng mga lintek na mga boses nato ay matatawag mo pa bang tahimik ang lugar dito? Tss!

Tiningnan ko ang inaaway nila. Tss! Masyado namang pang bata ang away nato. Parang kumulo naman ang dugo ko nang makilala ko kung sino ang inaaway nila.

"Anong ginagawa nyo?!" gumamit ako ng Lightning Teleportation at nasa harapan na ako ni Diane. Kaharap ko naman ang tatlong babaeng mukang octopus.

Nakita kong biglang namutla ang tatlong octopus. Hindi naman na octopus talaga sila, OCTOPUS ang tawag ko sa kanila dahil gusto ko lang. Tss! Pake nyo!

Yung dalawa namumutla na habang ang isa naman pataray lang akong tiningnan. Tss! Palaban miss.

"Seriously Girls?! Takot kayo dyan? Eh halos parehas lang naman silang salot dito eh!." wow naman. Ang sakit mong magsalita. Tss!

"Kelly! Hindi mo ba kilala ang kaharap mo?" rinig kong bulong ng isa niyang kasama. Ewan ko kung bulong bayun. Tss! Rinig na rinig ko naman.

"I know her dzuh! Aria Scarlet... But Im not afraid of her..." napa smirk naman sya. Habang ako ay blanko lang syang tiningnan. "... I know the rules here. Matagal na ako dito sa Academy nato. At... Alam ko... Na bawal... Gumamit... Ng mga Royal Bloods... Ang mga Magic nila." at ngiting tagumpay si Ate. Tss!

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now