Chapter 61

322 15 0
                                    


Chapter 61:





•••
•••









Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At tumambad sa paningin ko ang kulay puti at asul na kalangitan. Nasa Heaven Dim na ba ako? Napabuntong-hininga ako. Saka dahan-dahan akong tumayo. Inikot ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng lugar kung nasan man ako. Kumunot ang noo ko sa mga nakikita ko. Bakit familiar nanaman to?

"Youre awake." isang magandang tinig ang narinig kong nagsalita kaya napalingon ako sa kanan ko. Nakita ko ang babaeng nakasuot na kulay white-blue na bestida at naka ponytail ang buhok niya. Nakatalikod sya sakin. Sya ba ang naghatid sakin dito? Dahan-dahan syang humarap sakin at nawala bigla ang pagkakunot-noo ko nang makilala ko kung sino ang babaeng nakatalikod.

"G-goddess Andromeda?..." Oo, si Andromeda. The Goddess of Dream. Teka! Sya ang susundo sakin? Pero wait! Naalala ko ang sinabi niya. Impossibleng susunduin niya ako. Dahil ngayon, kung saan ako. Ay nasa DreamWorld ako! Sa lugar kung saan gawa ng Magic niya. Ang Dream World na gawa mismo ni Andromeda. "... Anong ginagawa ko dito Andromeda? Patay na ba ako?" malungkot kong tanong. At anong ginagawa ko dito sa Dream World niya kung patay na talaga ako?

"Yes..." napayuko naman ako sa sagot niya. So talagang patay na ako? "... At nandito ako para sunduin ka..." napa-angat ako ng tingin sa sunod na sinabi niya. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Ewan, bakit sya nakangiti pa?

Malayo-layo ang pwesto namin ni Andromeda. Dahan-dahan syang humakbang palapit sakin. Hangang sa tatlong metro nalang ang layo namin sa isat-isa. Inilahad niya ang kanang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang yun. Inihintay niyang abutin ko yun para sumama ako sa kanya. Nakaramdam ako na parang may tumusok sa dibdib ko. Ewan, hindi ko maintindihan. Huminga ako ng malalim. Saka dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad.

'Aria...' pero nang ilang inch nalang ang layo para maabot ko na ay agad akong tumigil. May naalala ako. Sina Hilary, Diane, Jessel, Eiron, Ronnie, Walter, Cylex at Fyre. Ang mga Royal Bloods. Ang mga kaibigan ko. Kaya hindi pwede. Umatras ako ng dalawang hakbang saka binawi ko ang kamay ko. Umiiling ako.

"Ayoko..... Ayoko Andromeda..." saka napa-iwas ako ng tingin. "... Hindi muna sa ngayon. Hindi ako pwede sa ngayon. At lalong-lalo na ayoko pang mamatay sa ngayon..." may kailangan pa akong gawin. May tatapusin pa akong laban. Nangako ako sa mamayan ng Agenhor na tutulungan ko sila. At pag ako ang nangako, hinding-hindi ko yun bibitawan. Magaling akong magsinungaling pero hindi ako marunong sumira ng pangako. Hinding-hindi. Taas-noo akong napatingin kay Andromeda. "... May tungkulin pa akong gagawin Andromeda... May mga Mali pa ako na gusto kong gawing tama... At gaya ng sinabi mo sakin noon..... Kailangan kong protektahan ang buong Agenhor... Kaya hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi pa... Hindi pa andromeda..." lumuhod ako sa harapan niya. Pababain ko na ang pride ko. Basta! Makabalik lang ako. "... Kaya please... Kailangan kong bumalik... Kailangan kong makabalik... Dahil ramdam na ramdam ko... Dito sa puso ko... Na hinihintay nila ako... Umaasa sila na buhay pa ako... May naghihintay pa sakin sa buong Agenhor... Ang mga mamamayan... Nangako ako sa kanila na tutulungan ko sila... Ang mga Royal Bloods... Ang mga kaibigan ko... Hinihintay ako ng buong Agenhor Andromeda!... Please... Pabalikin mo ko..." napapikit ako nang tuluyan nang bumuhos ang mga luha kong pilit kong pinipigilang bumagsak. Eto ang pangalawang pagkakataon na umiyak ako. At dito din mismo sa Dream World ni Andromeda ako unang umiyak.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang