Chapter 27

287 15 0
                                    




Chapter 27:








•••
•••










Naglalakad kame sa hallway. Oo! Sabay-sabay punyeta! Papunta kame sa Class Building. Tahimik. Walang nagsasalita. Pero kapansin-pansin ang nagtatakang tingin nina Jessel, Walter at Ronnie sa dalawang taong nagiging weirdo sa paningin nila.

Sinong hindi magiging weirdo. Si Hilary ngiting-ngiti. Tinanong ni Jessel kung 'Bakit daw sya ngiting-ngiti? Eh nagmumukha syang baliw sa kakangiti niya' kaso ang sagot lang ni Hilary? 'May magandang bagay akong nasilayan. Kaya nakangiti ako. Hihihihi' tss! Kaya umiling nalang ako.

Tapos eto pang isa. Si Eiron. May sinosolve ata to sa math. Tss! Nung una hindi ko na gets ang ginagawa niya. Nagbibilang kase sya. Ewan ko anong trip niya. Pero kalauan. Nakuha ko kung bakit sya nagbibilang. Tshaka hindi din mawala ang ngiti ni Eiron. Ngiting nang-aasar. Pasulyap-sulyap pa sya paminsan sakin na parang timang. Tss! Masyado siyang halata. Nahahalata na ang kakaibang kinikilos nila.

Paakyat na kame ng elevetor. Tahimik padin kame hangang sa elevator. Hangang sa humudyat na nasa fifth floor na kame. Kaya sabay ulit kameng naglakad papunta sa next class namin.

Nasa likoran ko sina Eiron at Walter. Katabi ko si Hilary. Nasa likuran nina Eiron at Walter sina Cylex, Fyre, Jessel at Ronnie. Tss! Kaya napabuntong hininga nananam ako.

"Pang-anim..." boses agad ni Eiron ang narinig ko. Kaya bumuntong hininga nanaman ako. "... Pang-pito." tss! Gusto kong matawa na pinag-gagawa niya. Kanina pa sya bilang nang bilang. Tss! Alam ko naman na ang binibilang niya ay bawat pagbuntong-hininga ko. Ano kayang trip neto noh?

Hangang sa makarating kame sa Classroom namin. Combat Class ang sabi ni Hilary sakin. Parang ginawa ko nang Class Schedule ko si Hilary. Tss! Sya lagi pinagtatanungan ko kung anong class ang susunod.

Pumasok na kame dun. Napasok naman din namin ang room nato kaya malamang wala na atang trap na naghihintay samin. Saka naisip ko din. Sya padin ba ang magtuturo samin ng Combat?

"Wazzuppp! Supreme Class!" at isang familiar na boses ang bumati samin. Tss! Siguro sya padin. Dahil kabisado ko padin ang lintek na boses niya.

Walang sumagot sa tanong niya. Nananatili lang kameng tahimik. Sino ba naman kaya pag magsalita kung sya mismo ang naging pinamahirap na nagturo samin ng combat skills. At maliban dun, sya din ang dahilan ng pagtiwarik naming lahat pagpasok palang namin mismo dito sa lintek na room nato! Buti nga may magic si Hilary. Baka makita yung 'ano' namin. Nakabaligtad-patuwad pa naman kame nun. Tss!

"Owww, mukang hindi pa ata kayo nakaka move-on... HAHAHA." baliw! Malamang sinong makakamove-on nun!? Tss! Kitang-kita ko mismo sa kinatatayuan ko si Sir Neo. Ang baliw naming Combat Trainer. Tss! Pero kahit ganun sya. Seryoso padin sya. Seryoso sya pag Combat Class time na. Pero pag once matapos na, bumabalik sya sa pagiging baliw niya. Tss!

Ibang-iba ang kilala naming Sir Neo sa Neo na baliw. Tss!

"Okeh! Magsimula na tayo!" at sa famous line niya nayan. Nag-iba na ang anyo ng paligid. Kagaya padin ng dati. Gumamit ng remote si Sir Neo.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now