Chapter 45

267 16 0
                                    






Chapter 45:







•••
•••









Napamulat ang dalawang mata ko pero nananatili padin akong nakahiga sa kama ng kwarto ko. Parang konti lang ang tulog ko. Hayysttt! Naalala ko kase ang usapan ng Mama ni Walter at Fyre.

"Tita Miriya!... Don't finish your sentence..."

"Why? Is theres a problem with my sentence? Masamang sabihin sa kanya ang totoo?"

"It's not..."

"Then why fyre? Why? Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya?"

"Hindi pwede... Hindi pa oras..."

"Then kailan? Kailan mo sasabihin sa kanya! For kingdom sakes! She deserve to know the truth Fyre! She deserve to know everything! She deserve to know that she's the long—"

"Tita Miriya!!! I just said its not the time... Not today... Not even tomorrow..."

May sumunod pa sa sigawang usapan nayan nila kaso hindi ko na maintindihan. Kase parang nabingi ata ako sa sinabi ng Mama ni Walter na 'She deserve to know the truth' hindi ko ngalang alam kung sino ang tinutukoy nilang 'SHE' pero sa tingin na ibinigay sakin ng Mama ni Walter. Yung tingin nya na parang may gustong sabihin kaso hindi niya magawa.

Sa tingin ko, AKO ang tinutukoy nilang 'SHE deserve to know the truth' eh anong Truth naman ang dapat kong malaman? Baliktad ata. Dapat sila ay may dapat na malamang tungkol sakin. At hindi ako. Tss!

Umiling nalang ako. Natulala na kase ako sa Ceiling. Tumayo nalang din ako saka para akong lantang gulay na naglakad sa Bathroom. Tss! Eto ata ang unang pagkakataon na wala akong masyadong tulog dahil sa iniisip ko yung usapan nila kagabi. Tss!

Hindi din naman ako nagtagal sa bathroom saka nagbihis nadin ako. Lutang padin ako. Tss! At eto din ata ang pangalawang beses na lutang ako. Siguro? Nakalimutan ko na ata. Tss!

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ako sa kwarto ko kaya lumabas nalang ako. Kumunot nanaman ang noo ko nang kompleto nanaman sila sa Living Room. Tss! Dapat masanay ka na Catarina.

Nagtama pa ang tingin namin ni Fyre kaso agad ko ding iniwas. Nauna silang lumabas, huli naman kame ni Hilary. Usap lang ng usap ni Hilary at Eiron at ni wala akong maiintindihan sa topic nila. Tss! Sila ang pinakamaingay saming walo.

Wala pa si Diane. Hindi pa sya pwedeng maging official member ng Supreme Class hanggat hindi niya pa nakukuha ang ID niya. Kaya siguro ngayon, kinuha na ata niya ang ID nya.

Hangang sa makalabas kame ng Dorm Building at dumeretsyo kame ng Classroom building. Pagdating namin sa Supreme Classroom namin ay nagsalubong ang noo ko sa nakita ko.

Punyeta! Anong ginagawa nila dito? Saka kilala ko ang Tatlo sa kanila. Pero ang Isa? Hindi ko kilala. Tss! Pero nakita ko sya kahapon sa Training Room. Kasama ang Mama at Papa ni Fyre.

"By the way... Royal Bloods... Sina Lord Fiery, Lord Arsene, Lady Julia and Lady Cardia will having a seat-in... Hangang matapos lang ang araw ngayon... Temporary student muna sila dito sa Supreme Class." salubong samin ni Maiden Ria. Tss!

Pumasok din naman kame sa loob at nakita kong agad lumapit si Julia kay Ronnie. Tss! Panong naging Lady sya? Lady kaya sya? Baka hindi ko nga alam.

"Heyy! Ron ron! Miss me?." miss me? Girlfriend sya ni Ronnie? Si Julia? Punyeta!

"Damn it! Ate naman! Kakakita lang natin kagabi! Miss na agad?.. And please! Dont call me that nickname!" wika ni Ronnie. 'Ate'? Punyeta! Magkapatid sila? Akala ko talaga mag boyfriend at girlfriend eh. Pero teka! Magkapatid talaga?

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now