😍

4.2K 253 161
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unedited

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Unedited....

Kahit na low-risk ka, kapag tamaan ka at masira ang immune system mo, wala kang magagawa. Para sa iba, normal na ubo at lagnat lang ito na kayang malagpasan. Kayang madala sa luya, antibiotic at paghuhugas ng kamay. Pero kahit na gaano pa kaingat ang isang tao, kapag oras na niya ay wala na tayong magagawa pa.  Hindi lahat ng tao ay pare-pareho kalakas.

Isang tao lang. Isang taong gustong walang ibang ginawa kundi ang magsinungaling para sa sariling kapakanan.

"B—Bakit gano'n?" malungkot na takot ni Ayesha. "B—Bakit ang asawa ko pa? Ang asawang walang ginawa kundi isipin ang kapakanan ng kababayan namin at mga estudyante niya?"

Napahagulgol na naman siya nang makita ang usok dahil sa pag-cremate kay White.

Ne hindi nila makausap si Black. Tulala ito at hindi kayang makakilos. Ilang beses din itong nahimatay kanina.

"I—Iiyak mo kaya?" mugto ang batang sabi ni Sky.

"M—Mas nakakagaan sa loob kapag ilabas mo ang sakit ng dibdib," segunda ni Blue. Lahat sila ay nagluluksa sa pagkawala ni White. Kung puwede nga lang balikan ang taong nagsinungaling, baka mapapatay nila para lang mabuhay si White pero huli na ang lahat.

Ne hindi sumagot si Black at tumulo na naman ang mga luha.

"S—Sana ako na lang ang nadapuan ng sakit! S-Sana ako na lang ang kinuha ni Lord. T—Tutal, nakita ko naman ang m—mga apo ko. M—Masyado pa siyang bata para kunin ng Maykapal!" naghihinagpis na sabi ni Black at humagulgol saka tumayo at pinagsusuntok ang pader. "Bakit ang anak ko pa? B—Bakit? A—Ako na lang! A—Ako na lang ang kunin mo, Lord!"

Napuno nang pagtangis ang buong silid lalo na nang dumating sina Skyler, Kevin at Ian. Basag din ang lahat ng gamit sa paligid kaya walang nagawa ang mga nandoon.

Matapos ang ilang oras ay lumabas na ang nagcre-cremate bitbit ang pure silver cremation urn na may lamang abo ni White kaya nagsimula na namang mag-iyakan ang buong angkan ng Villafuerte.

"Nanay?" tawag ni Orange. Nasa isang sulok sila dahil baka makahawa sila kahit na asymptomatic sila. "Nasaan na si Tatay?"

Umiiyak na yumuko si Ayesha sa anak na nakatingala sa kanya.

The Heart of Education (probinsya series 2)Where stories live. Discover now