Chapter 15

5.8K 275 82
                                    

Appreciation post para sa isang ashter na magaling gumuhit. Thank you, Miss Ely Maravilla. Godbless po at sa talent mo.☺️❤️♥️

Unedited

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Unedited....

"Hindi na ako uuwi mamaya, may gagawin kasi ako sa school, hihintayin ko ang parents ng estudyante kong madalas na absent. Magpapasko na pero ang dami niyang absent. Kung nasa private school lang ako, ida-drop ko na 'to," sabi ni White na nagkape lang dahil male-late na siya.

"Kumain ka muna."

"Huwag na. Maluluto na 'yang gulay kaya pakipatay na lang tapos kumain ka ha."

Na-late siya ng gising kaya nagkukumahog siyang magluto kanina para may maiwan siya sa mag-ina niya.

"Hindi pa luto ang sinaing," nag-aalalang sabi ni Ayesha dahil hindi naman sanay si White na hindi kumakain ng breakfast.

"Hayaan mo na, sa school na lang ako kakain."

Mas lalong hindi naniniwala si Ayesha dahil ayaw nitong bumili sa school canteen. Si White ang tipo ng taong hindi kumakain kapag hindi luto ng iba.

"Gawa ako ng sandwich, baunin mo."

"It's okay, aalis na ako," sabi ni White.

"Pero walang laman ang tiyan mo."

"Mayroon."

"Kape lang?"

"Bituka," biro ni White.

"Heh! Sige na, gawa ako ng sandwich."

"Busog pa talaga ako, misis. Mauna na ako."

"Dadalhan kita ng lunch mo mamaya," sabi ni Ayesha.

"Bye!" paalam ni White at lumabas na saka nagmaneho patungo sa Macdu elementary school.

"Morning po, principal," bati ni White nang makasalubong ang principal na maaga pang nag-ikot-ikot sa Macdu elementary school.

"Morning, Sir Villafuerte," bati ni Bhing sa guro.

"Nextweek na lang po ang bayad ha," sabi ni White na nakabali ng pera kapalit ng ATM.

"Actually bawal iyon," sabi ni Bhing pero wala namang nagre-report.

Ang ibang guro ay nagsasangla rin sa kanya ng ATM at ang iba nga ay titulo ng lupa pero kapag walang-wala talaga ang tao, hindi na niya pinapatungan basta may kapalit lang na titulo ng lupa dahil gusto rin niyang makasigurado bago magpautang. Kapag mabayaran ay saka niya isauli ang titulo ng mga ito. Isa pa, ang iba naman ay kapag nasa hospital ang kamag-anak kaya madalas na balik-puhunan lang siya para makatulong.

Sa teachers talaga at may kaya ay 10% ang ipinapatong niya pero sa kagaya nina Aleng Lourdes Chou ay 5% lang pero madalas na hindi na niya kinukuha ang interest kapag magbayad na.

The Heart of Education (probinsya series 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن