36

3.3K 213 41
                                    

Unedited....

"Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang result!" sabi niya matapos basahin ang swab result. Negative silang mag-ama.

Kagabi pa siya hindi mapakali. Okay na raw si Ayesha at paunti-unti nang nawawala ang ubo.

"Tawagan mo," sabi ni Nathalie sa videocall.

"H—Hindi sumasagot," sabi niya na labis na nag-aalala.

"Sana negative," sabi ni Nathalie. "Pray ka lang. Basta safe na kayo ng mga bata."

"Buwesit! Hindi niya sinasagot e!" inis na sabi niya.

"Tatay! Kakain na po ako!" reklamo ni Orange habang hawak ang tiyan.

"Sina Fuchsia?"

"Nasa gubat po, naglalaro ng bahay-bahayan kasama si Kuya Ismael," sagot ni Orange na ang tinutukoy ay sa likod ng bahay. Gubat daw dahil napupuno ng punong kahoy. Halos lahat naman ng mga punong itinanim niya ay nabuhay pero hindi pa mataas.

"Tawagin mo at kumain na kayo," sabi niya kahit na labis na nag-aalala. Mula kaninang umaga ay hindi na niya makontak ang asawa.

"Sabay ka, tatay? Kakain tayo?"

"Hindi. May pupuntahan ako," sagot niya. Puntahan niya si Ayesha sa quarantine facility. "Lumabas ka na muna."

Patakbong lumabas si Orange kaya dali-dali siyang nagbihis at kinuha ang facemask at faceshield saka bumaba.

"Honey Grace? Alis muna ako," paalam niya. May dala siyang med cert kaya makakalusot na siya. May quarantine pass naman siya.

Lumabas siya ng bahay at tumungo sa sasakyan. Papasok na sana siya pagkatapos buksan nang may yumakap sa bewang niya.

"Mister..."

Mabilis na hinarap niya ang nagsalita at nanlaki ang mga mata.

"M—Misis..." usal niya at hinaplos ang magkabilang pisngi ni Ayesha. "I—Ikaw ba talaga, 'to?"

"Yes, it's me," nakangiti pero naiiyak na sagot ni Ayesha. "I'm home."

"Oh my gosh! Really?" Pinisil pisil pa niya ang mukha ng asawa. "T—Totoo nga!" masayang sabi niya at mahigpit na niyakap si Ayesha saka humagulgol. Bahala na kung ano man ang hitsura niya. "Diyos ko! S—Salamat!"

"I'm C-virus free!" ani Ayesha na hinayaang yakapin siya nang mahigpit ng asawa. "N—Negative ang result."

"Yes!" hiyaw ni White at binuhat si Ayesha at inikot-ikot na parang bagong kasal. "Ang saya!"

Buhat ang asawa ay tumakbo siya patungo sa hardin at doon nagtatalon-talon kasama si Ayesha.

"Wooh! Bumalik na ang asawa ko! Nanay is here! She's home!" hiyaw niya kaya nagsitakbuhan ang mga anak palabas ng bahay. "Hey, kids! Look who's here!"

"Nanay/Nanay/Nanay!" sabay na hiyaw ng mga bata at patakbong lumapit sa kanila.

"B—Babies ko!" umiiyak na sabi ni Ayesha. "I m—miss you!"

Sabay na yumakap ang tatlo sa kaniya kaya mas lalo siyang umiyak. Naupo siya para magpantay sa mga ito. Sa ilang araw niyang pananatili sa quarantine house ay parang dekada na siyang nawala kaya nang malaman niyang negative ang result ng swab test ay hindi na siya nagpaalam pa kay White dahil gusto niya itong surpresahin.

Napatingala siya sa asawang nagniningning ang mga matang nakatunghay sa kanila.

"Welcome back, misis ko. Maghanda tayo."

"I miss you, White," sabi niya na awang-awa sa hitsura ng asawa. Ang laki ng ipinayat nito at unang tingin pa lang ay alam niyang kulang sa tulog.

"I miss you too, misis ko."

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon