Chapter 12

5.8K 302 70
                                    




Unedited...





"Hindi ako magpapakasal sa 'yo!" madiing tanggi ni Ayesha. Bukas na ang kasal nila at nasa labas na ang chopper na susundo sa kanila.

"Akala ko ba okay na tayo?"

"Wala akong sinabi!"

"Iyon nga. Wala kang sinabi. Ni hindi mo ako kinikibo. Ilang linggo ka nang ganyan. Mula nang umalis sina Mommy, wala ka nang pakialam  sa akin. Kakausapin mo lang ako para sa mga bata. Para akong nakikisama sa isang patay!" reklamo ni White.

"Hindi ako magpapakasal sa 'yo! Ang anak natin, makakaunawa naman 'yan pagdating ng araw. Maghanap ka ng babae na para sa 'yo talaga!"

"Para sa akin?" ulit ni White. "May anak na tayo tapos hahanap pa ako ng iba na para sa akin?"

"Hindi mo ako naiintindihan, White!"

"Oo," pag-amin ni White. "Hindi talaga dahil may anak na tayo pero ayaw mong magpakasal sa akin!"

"Basta ayaw ko!" giit ni Ayesha.

"Kung ayaw mo, kukunin ko ang anak ko at buhaying mag-isa!" pananakot ni White.

"Sige. Tingnan natin. Sa batas ng Pilipinas, sa nanay mapupunta ang costudy kapag wala pa sa legal ang mga bata."

"Kung may kakayahan ang inang buhayin ang mga anak," sabi ni White. "Pero ikaw, wala talaga. Kagaya ngayon, wala kang trabaho."

"Magtatrabaho ako!"

"At sino ang magbabantay ng mga bata?" sagot ni White at naupo sa sofa saka nag-crossed legs at pinagmasdan si Ayesha. "Come on, magbihis ka na."

"Ayoko!"

Dinukot ni White sa bulsa ang recorded at pinarinig ang pinag-usapan nila bago lang kaya napanganga si Ayesha.

"Ikaw ang ayaw magpakasal sa akin, Ayesha. Kumuha ka ng magaling mong abogado dahil gagawin ko ang lahat para mapasaakin ang kambal."

"Walanghiya ka talaga!" singhal ng dalaga. "Lahat ay gagawin mo para lang sa pansarili mong kapakanan! Magpapakasal ka para hindi mawala ang lisensya mo? Hindi ganoon 'yon, White."

"Hindi mawawala ang license ko dahil lang sa ayaw mong magpakasal, Ayesha. Marami akong mapapasukan kahit na hindi tayo kasal at alam mo 'yan. Ayaw kong gamitin ang yaman o kapangyarihan ng pamilya ko laban sa 'yo kaya magbihis ka na dahil magpapakasal tayo bukas sa abogado."

Two months na ang anak nila bukas kaya isasabay na rin nila para isang handaan lang.

"Ayaw ko!"

"Kung makahanap ka ng walang kuwentang lalaki mo, magpapa-annul tayo at ako mismo ang gagasto. As of now, magpakasal muna tayo."

Napasabunot si Ayesha sa buhok dahil sa inis sa kaharap.

"Hindi ka talaga titigil?" aniya na hanggang ngayon, kumukulo ang dugo sa ginawa ni White. Minsan kapag maligo siya, parang nananariwa ang hapdi sa pagkababae niya.

"Hindi kaya magbihis ka na," sagot ni White. "Alam kong galit ka sa ginawa ko noon. But believe me, hindi ko talaga naisip na masakit iyon lalo na't may tahi ka pa. Masyado akong nadala at na-excite pero hindi ko talaga naisip ang kalagayan mo. I'm sorry."

"Wala akong pakialam!"

"Hindi naman kita iniinsulto e. Firstime ko lang din sanang gawin 'yon kaya medyo nataranta pa ako. Never pa akong kumain ng—"

"Tahimik! Manahimik ka, Puti!"

"M—Magbihis ka na kasi. Sige na. Isa pa, para naman sa twins natin ang pagpapakasal."

The Heart of Education (probinsya series 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin