chapter 11

5.9K 303 64
                                    


Isa ako sa mga maraming gustong isulat pero dahil sa nangyari, parang limitado na ang lahat. Maraming istoryang dapat na malaman ng lahat pero sa tuwing may sumubok, binabalian na nila ng pakpak. Sa mundo ng pagsusulat, wala akong laban dahil hindi ko kabisado ang galawan at wala akong napatunayan!





UNEDITED...



"Gusto kong i-explore ang Nueva Vizcaya pero hindi ko pa magawa."

"Alangan naman unahin mo pa ang pamamasyal kaysa sa mga anak mo!"

"Sinabi ko lang naman eh. Bakit ba galit na galit ka na naman?"

"Bakit ba ang daldal mo?" inis na tanong ni Ayesha dahil kanina pa daldal nang daldal si White habang pauwi sila. Mabuti pa noon, tatahimik lang ito tapos puro panlalait ang naririnig niya pero at least pagkatapos e wala na. Hindi kagaya ngayon, daming sinasabi tapos nakakasama pa ng loob.

"Inis na inis ka na naman," sabi ni White at binitbit ang ibang pinamili. Lumabas si Janina at tinulungan silang maghakot ng mga pinamili. "Hindi na ako magsasalita. Hindi na rin kita kausapin."

"Kumusta ang kambal?" tanong ni Ayesha.

"Okay lang po," sagot ni Janina na nakasunod sa kanila.

"Ano ang iluluto natin para sa pamilya mo bukas?" tanong ni Ayesha pero tinalikuran siya ni White matapos ilapag ang mga pinamili at lumabas na naman para kunin ang iba pa.

"Bingi!" bulong ni Ayesha at lumabas din. "Puti! Ano ba ang ipakain natin?"

Dedma.

"Ouch!" daing ng binata nang hampasin siya ni Ayesha sa balikat.

"Kinakausap kita!"

"Kapag kausapin kita, ayaw mo. Kapag nananahimik ako, kinukulit mo ako!" inis na sabi ni White.

"Ano nga ang ipakain natin sa kanila?"

"Magdadala sila ng pagkain bukas kaya huwag ka nang mag-alala," sagot ni White saka pumasok na naman.

Nang matapos nilang ipasok ang mga pinamili, inayos na ni Ayesha pero pinigilan siya ni White nang umiyak ang kambal.

"Ako na rito. Doon ka na sa babies natin."

Pumasok si Ayesha at pinadede na ang mga ito dahil kanina pa sumasakit ang dede niya. Paunti-unti ay sinasanay niya ang mga ito sa biberon dahil sobrang hirap kapag nakadepende lang sila sa breastfeed. Hirap gumalaw at hindi niya maiwan-iwan.

Natapos na niyang padedehin si Green Maroon pero iyak pa rin ito nang iyak kaya pumasok na si White.

"Ayaw na naman niyang tumahan?" tanong ni White at binuhat ang anak saka isinayaw-sayaw. "Labas tayo, baby?"

"Lagyan ko muna ng diaper," sabi ni Ayesha.

"Huwag na. Nang makaginhawa naman ang puwet ng bata. Mamaya na," sabi ng binata.

Lumabas si White kaya napangiti si Ayesha. Kapag magtrabaho si White, pinapaamoy niya ang hinubad na damit nito sa kambal para masanay ang mga bata rito. Kala niya ha. Puwes, siya ang mag-alaga sa mga ito dahil balak niyang bumalik sa trabaho kapag puwede na.

"Fuck! Buwesit talaga!" pagmumura ni White nang bumalik. "Putsa! Ayesha! Ew!"

Natawa si Ayesha nang makitang puno ng dumi ang mga kamay nitong hawak pa rin si Maroon. "Kunin mo ang anak natin, dali!"

Tumayo si Ayesha at kinuha si Maroon saka lumabas para hugasan ang puwet nito.

"Bakit ba kapag ako na ang kumuha, sakto namang pumu-popó ang bata!" reklamo ni White nang pumasok sa banyo at hinugasan ang mga kamay.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon