Chapter 18

5.5K 291 60
                                    





Unedited...




"Ako na kaya ang mag-makeup sa 'yo," sabi ni White dahil ayaw talaga gumalaw ni Ayesha.

"Ikaw na lang pumunta, busy ako sa mga anak natin kaysa debut na 'yan!"

"Eh 'di hindi na lang ako pupunta. Sabihin ko na sumakit ang ulo ko."

"Bakit ba kailangan kasama ako?"

"Siyempre asawa kita. Ano naman ang gagawin ko roon?"

"Ikaw na. Di ba crush ka naman ng bata?"

"Gusto ko nga na isama ka dahil asawa kita. Para malaman nila na may asawa na ang pogi nilang bisita," nakangiting sagot ni White.

"Huwag ka ngang ngumiti!" saway ni Ayesha.

"Kasi mas lalo akong pumupogi?"

"Hindi! Pangit ka kaya!"

"Pogi ako tapos masarap pa," pagmamalaki ni White. "Tapos macho pa. Kita naman sa abs at biceps ko."

Ipinakita pa nito ang braso niya tapos agad na binuhat si Ayesha pabalik sa kuwarto.

"Ano ba, Puti!"

"Bibihisan kita at sapilitang isama!"

Nagpupumiglas si Ayesha pero sa kuwarto na siya pinakawalan ng asawa. Sa kama siya nito pinahiga at agad na pinatungan.

"Sasama ka o magdamag tayong magboom boom paw?" tanong ni White at nakipagtitigan sa asawa.

"Magdamag na magboomboom paw," sagot ni Ayesha kaya napangisi si White.

"Sama ka na kasi misis. Sige na," malambing na pakiusap ni White saka ibinaon ang mukha sa leeg ng asawa. "Tapos pag-uwi natin, saka tayo mag-boom boom paw."

"KVO," bulong ni Ayesha kaya napakunot ang noo ni White. "Keep vagina open," makahulugang sabi niya kaya natawa si White.

"Puwede," pagsang-ayon ni White sabay ngisi. "Sasama ka na? Bihis na, misis."

Nahihiya si Ayesha lalo na't sigurado siyang teachers din ang mga bisitang naroon kaya siyempre ma-OP siya. Napatitig siya sa mukha ni White na nakatunghay sa kanya.

"Hindi kita pabayaan, Ayesha. Trust me."

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ayesha saka tumango.

"S—Sige, papayag na ako basta kapag maramdaman kong hindi ako invited, iiwan kita at huwag ka nang magpakita pa sa akin!" pananakot niya na ikinalapad ng ngiti ng kanyang asawa.

"Puwede ba 'yon? Eh asawa kita. Siyempre ikaw ang pinaka-priority ko sa lahat ng nandoon. Kahit ang debutant pa, hindi makakakuha ng pagtingin ko."

Gusto sanang kiligin ni Ayesha pero palaging ganito na lang si White.

"B—Bakit? May pagtingin ka ba sa akin, White?" kinakabahang tanong niya pero sa halip na sumagot ay agad na umalis si White sa ibabaw niya at tumayo nang tuwid.

"Mag-ayos ka na, tulungan na kita. Marunong naman akong mag-ayos dahil madalas na ako ang kasa-kasama niya sa party," pag-iiba ni White na kinakabahan sa tanong ng asawa. "Labas lang ako, iinom ng tubig."

Dali-dali siyang lumabas at kumuha ng maiinom dahil nanunuyo ang lalamunan niya. Kailangan din niya ng malamig na tubig para maka-relax ang utak.

Kumuha siya sa ref at nagsalin sa baso.

"May problema—"

"Fuck!" pagmumura niya nang mabitiwan ang baso nang biglang nagsalita si Ayesha sa likuran niya. "S—Sorry." Nataranta niyang sabi na agad yumuko para sana pulutin ang basag na baso pero pinigilan ni Ayesha ang kamay niya.

The Heart of Education (probinsya series 2)Where stories live. Discover now