22

5.9K 311 84
                                    



Unedited...

"Good morning teacher!" masiglang bati ng mga bata nang pumasok sina White at Ayesha bitbit ang kambal kasunod si Janina.

"Hello, mga bata!" masiglang bati ni White. "Ismael, Chris at ikaw Anthony, samahan ninyo ako sa kotse at may kukunin tayong mga regalo."

Lumabas siya kasama ang ilang lalaking estudyante para kunin ang mga regalong binalot na nila ng asawa kagabi.

Nang maipasok na ang lahat ay inayos nila sa mesa ang mga pagkain at ang lahat ng gift ay inilagay sa ilalim ng ginawa nilang christmas tree.

Nagdasal muna sila tapos nagkaroon ng kaunting program at group presentation kada row.

Siyempre may prize at sina Janina at Ayesha ang judges.

"Pagod ka na ba, misis?" tanong ni White at inayos ang electric fan para hindi mainitan ang asawa. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinahidan ang pawis sa noo ni Ayesha tapos mahinang kinurot ang kanang pisngi ni Fuchsia. Nasa labas sina Maroon at Janina dahil naiiyak at hindi napakali ang bata.

"Okay lang, medyo mainit lang," sagot ni Ayesha at nanood sa mga batang umaakto bilang sina Jose at Maria.

Nang matapos ay nag-exchange gift na sila.

"Wait lang, pamigay ko lang ang regalo sa mga bata," paalam ni White at isa-isang nilapitan ang mga estudyante. Ang mga lalaki ay laruang baril at sombrero ang gift at ang mga babae ay pantali sa buhok at headband.

"Yehey! Thank you, teacher!" masayang pasalamat ng mga bata at isa-isang lumapit kay White saka niyakap ang guro.

Pasimpleng kinuhaan ni Ayesha ng video ang nangyayari. Hindi niya maiwasang mapangiti. Kahit na honest si White, hindi naman pala ito nagrereklamo sa harapan ng mga bata.

Nagdasal sila tapos nagsimula nang kumain.

"Awts, amoy pawis na ako, baby," sabi ni White nang maupo sa tabi ng mag-ina niya. "Nagugutom ka na? Gusto mong kunan kita ng pagkain?"

"Huwag na," tanggi ni Ayesha.

"Wait lang, kukunin ko ang surprise cake ko sa kanila," paalam ni White na may hinandang 3-layer cake.

Kinuha niya ang cake sa sasakyan at nang makabalik ay napa-wow ang mga bata nang makita ang cake na may chocolate at mango flavor.

"Wait, pila lang kayo ha," sabi ni White at nang ilapag sa mesa ang cake ay siya na ang naghiwa para pantay at isa-isang binigyan ang mga estudyante.

Pagkatapos ay nagpa-games sila ni Ayesha. Hindi matawaran ang saya sa mga mata ng mga bata nang bigyan ng  papremyong candies at chocolates.

Marami ang sobra kaya pinauwi na niya sa mga estudyante.

"Ibigay mo sa nanay mo ito," sabi ni Ayesha nang iabot kay Ismael ang supot na may spaghetti at cake.

"N—Nakakahiya po," sabi ni Ismael pero nasa mga mata ang galak at tuwa.

"Okay lang, marami pa 'yan. Lahat naman kayo ay uuwi," sabi ni Ayesha at nginitian ang bata para hindi mahiya.

"Naku, tiyak magugustuhan nina nanay ito," masayang sabi ni Ismael at tinago sa bag ang pagkain.

Binigyan din ni Ayesha ang isa pang bugkalot na estudyante ni White para iabot sa lola't lolo nito dahil nahihiya ang mga itong tumayo at kumuha ng iuuwing pagkain.

Nang magsiuwian ang mga bata ay tinulungan ni Janina si White na maglinis ng classroom habang si Ayesha ay nasa labas at inaaliw ang dalawang batang nasa stroller.

The Heart of Education (probinsya series 2)Where stories live. Discover now