Chapter 2

6.1K 239 22
                                    


Unedited...


"Ito ang bahay mo?" blangko ang mukhang tanong ni White nang makarating na sila sa bahay ni Ayesha.

"Alam kong maliit lang 'to pero bahay ko pa rin 'to!" Malawak ang bakuran ng bahay na iniwan ng lola niya at may bulaklak siyang tinanim. Gawa rin sa semento ang dingding pero hindi pa tapos. Nilagyan lang ng red flooring cement ang sahig para maayos tingnan.

May dalawang silid pero kurtina lang ang nagsisilbing pinto. Pati bintana ay hindi pa rin yari. Tinatakpan lang ng makapal na kurtina sa tuwing gabi.

"Sino ang kasama mo rito?" tanong ni White at napangiwi nang biglang lumipad ang manok na nasa upuan.

"Shu!" Shu!" pagtataboy ni Ayesha at binuksan ang kurtina para makalabas ang manok na palipad-lipad sa loob ng bahay na hindi alam kung saan lalabas.

Binuksan ni White ang pinto kaya nakalabas ang manok.

"Pasensiya ka na, ganiyan talaga ang mga alaga kong manok. Minsan pumapasok sila sa bahay kapag bukas," paumanhin ni Ayesha na hiyang-hiya sa binata. Siyempre ang yaman nito at baka nga kulungan lang ng baboy ang tingin nito sa bahay niya.

"May kasama ka rito?" tanong ni White.

"Si Janina," sagot ni Ayesha.

"Sino 'yon?"

"Si Janina Rimocal, anak ng kapitbahay ko," sagot ni Ayesha. Wala na siyang ibang kasama kaya ang dalagita na lang ang pinapatulog niya rito lalo na't manganganak na siya.

"Sumama ka sa akin sa Maynila," sabi ni White kaya napalingon si Ayesha sa kaniya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Kasi kailangan kong makasigurado na ligtas ang anak ko," sagot ni White na uupo sana sa upuan pero nakita niyang may nakasampay na tuwalya sa sandalan kaya napabuntonghininga na lang siya.

"Ayaw ko," sagot ni Ayesha.

"Utang na loob, Ayesha, ang anak ko ang pinag-uusapan dito."

"Nasa tiyan ko siya kaya ako ang masusunod! Isa pa, hindi ikaw ang-"

"Ako ang ama niyan!" giit ni White. "Maliban na lang kung nakipag-one stand ka pa sa ibang-"

Pak!

Napahawak si White sa kanang pisngi nang dumapo ang malakas na sampal ni Ayesha.

"Ba't ka nananampal?" singhal ni White at gigil na hinawakan ang kanang braso ni Ayesha. "Nanggigigil na ako sa 'yo, Ayesha!"

"Bakit? Sasaktan mo ako?" Matapang na tanong ni Ayesha at sinalubong ang mga mata ni White. "Mahirap ako pero kaya kong buhayin ang anak ko!"

"Anak ko rin 'yan at iluwa mo lang dahil kaya ko ring buhayin 'yan!"

"Sa batas ng Pilipinas, ako ang may karapatan!"

"Kaya kong baliin ang batas, Ayesha!"

Natigilan ang dalaga. Anumang gustuhin nito ay makukuha nito dahil sa pera at kapangyarihan.
"Kaya manahimik ka at sumunod ka sa akin!"

"H-Hindi mo ako mapipilit na sumama sa 'yo!"

"Alam mo bang para naman 'to sa inyo ng mga anak ko? Wala ka nang mga magulang, Ayesha! Ano pa ba ang silbi ng pagpapakipot mo?"

Hindi na umimik pa ang dalaga. Kapag sumama siya, gawin lang siya nitong alila o sigaw-sigawan. Sa ugali pa naman ni White, gusto nito ay ito ang masusunod. O baka nga ilayo nito ang anak niya at wala na siyang magagawa para makuha. O baka gawan ng issue para mapunta sa kanila ang kustodiya ng bata.

The Heart of Education (probinsya series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon