Now that I remember the past, dahil sa ginawa ni Laynah.. masasagot ko na kung bakit pamilyar sa akin ang mukha ni Desire. It's because, I saw her before. At hindi lang siya..
I saw the woman that all of them talks about..
Tulala lamang ako habang nakatingin sa lupa kung saan nakahandusay ang bangkay ni Tito Bruno. He's no longer breathing. Trevor killed him.
Nanginginig pa rin ang aking kamay na may bahid pa ng dugo habang hawak-hawak ang aking dagger.
I maybe not the one who killed him, pero sinaksak ko pa rin siya. Isa pa rin ako sa dahilan ng kanyang pagkamatay.
Na sa taas pa rin ako ng puno at hindi pa makababa dahil klarado pa sa aking isipan ang ginawa ni Trevor.
But then, may babaeng nakasuot ng itim na cloak ang dumaan sa bangkay ni Tito Bruno.
Sa kanyang likod ay ang batang si Desire na walang malay. Karga-karga niya ito.
Her hair is black as the sky above. Umaalon iyon at sobrang haba.
Natigil siya ng matapat siya sa bangkay ni Tito Bruno and to my surprise, umangat ang kanyang tingin sa akin.
Her dark and soulful eyes stared at me. Kasabay ito ng mainit na hangin sa malamig na gabi. Halos hindi ako nakagalaw sa aking kinaroroonan.
Ilinabas niya ang kanyang sandata na hugis araw.
For a second, I thought na katapusan ko na. 'Cause I know, hindi siya nabibilang sa amin. Her cloak doesn't have any plants embroidered.
But then, imbes na itapon niya ito sa aking kinaroroonan, she attacked the lifeless body of Tito Bruno.
Just like.. what the hell? He's already lifeless.. bakit niya pa inatake si Tito Bruno? Hindi niya ba ako nakita? Pero nagka-eye to eye contact kaming dalawa..
She released another strike of her golden sunny blades on the 9 o'clock. May narinig akong pagbagsak and at that point, I know that she attacked a breathing human.
"D-Daddy.." Desire mumbled on her unconscious state.
"Shh.. my baby.. I'll bring you to your Daddy."
I heard the woman's angelic voice.
Nag-angat siya sa akin muli ng tingin and she gave me a sad smile.
"Be careful." She said before she run away with the girl Desire on her back.
Kinain sila ng dilim..
"What?"
Muli akong napukaw dahil ang tagal ko palang nakatulala sa kanyang mukha at tapos na rin siya sa pagpupunas ng kanyang labi.
"Nothing." Wika ko na lang.
I think, I now know kung bakit siya nagrerebelde sa kanyang ama. Sir Harris told us before na naging ganito lamang ang anak niya ng malamang buhay pa ang kanyang ina.
She doesn't know that her mother is just here in Vierse City, protecting her ng hindi niya nalalaman. Siguro, kaya siya narito na sa bicol para hanapin ang matagal ng nawawala.
And her father don't want her here. It's too risky and it's possible na maulit muli ang pagkakahuli sa kanya ng Autotrophs.
"Oh! Cous!" Biglang kumaway si Desire sa isang tao mula sa malayo. Natigilan ako lalo na dahil sa binanggit ni Desire. Cous..
It means..
"Here! Here!" Aniya. Napapikit na lang ako. Alam ko na kung sino ang tinatawag niya. Hindi ako lumingon kahit naramdaman ko siya sa aking likod. Napagawi pa ang tingin ko kay Orville na nakatingin rin pala sa akin habang nakakunot ang noo. Sinurado kong walang ano mang emosyon siyang mababasa sa akin kaya tumuwid ako ng upo.
"Carmela.." tawag ni Art na ngayon ay batid kong nakatayo sa aking likod.
"Hey! Call me Ate! Mas matanda ako sayo 'no." Reklamo ni Desire. "And by the way, I'm with my friends here in Ertha."
Napataas ang kilay ko, friends? Really? We are? Why does everyone was stating that I'm their friends?
"This guy is Orville." Tinuro ni Desire si Orville na narito sa aming harap. "Then, this girl beside me is Izen." Itinuro niya ako. Dahan-dahan naman akong lumingon at siniguro kong hindi siya makakita ng kahit anong emosyon sa akin.
Art..
"Ice?" Iyon agad ang lumabas sa kanyang bibig ng tuluyan niyang masilayan ang aking mukha.
Tinitigan ko lamang siya. Trying hard to escape from the memories I had with him. Ibinaon ko sa kailaliman ng lupa ang mga alaala na iyon.
"Sorry.. do I know you?" I asked even if the truth is I know him very well.
Nakita ko ang bahagyang pagkalito sa mga mukha nila Orville at Desire. For a week, ginawa ko ang lahat upang hindi kami magkatagpo. But now, hindi ko talaga siya maiiwasan lalo na't na sa iisang lugar na naman kami.
"Don't you remember me, Ice? It's me.. Art." Pakilala niya sa kanyang sarili. I can almost see in his eyes na nasasaktan siya cause I can't remember him.
"Art?"
"Yes, ako 'to. Art. Does my face change a lot kaya hindi mo ako nakikilala?" He asked.
Umiling ako. Kasabay ng pagwaglit ko sa namumuong alaala muli sa aking isip. Kung paano kami nagkakilala n'on at kung gaano ka mali na nakilala niya ako.
"I don't know you. My name is Izen. I'm not Ice."
Sinigurado kong walang emosyong lalabas sa aking mata.
Umiling siya na tila kumbinsido talaga siya na ako ang Ice na nakilala niya noon.
"Hindi ako maaaring magkamali, I can still remember your face." Aniya.
"Wait, you know each other?" Nagtatakang tanong ni Desire.
"No."
"Yes."
Sabay naming sagot ni Art.
Bumuga ng hangin ang lalaki sa aming harap.
"Art, it seems like you're mistaken. Izen didn't leave Bicol region in her entire life. I knew it cause we're neighbors. Pano kayo magkakakilala noon na first time mo rin naman ngayon dito sa Vierse City?" Giit ni Orville.
Hindi ko alam kung may alam si Orville at tinutulungan niya ako sa aking pagpapanggap o sadyang iyon lang din talaga ang gusto niyang sabihin.
"But.." si Art.
"I don't know you, Mr." Wika ko't tumayo na. Lumingon ako kay Orville na tumayo na rin at binitbit ang bag ko. "I need to read something in the library. So please excuse me."
💙
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 24: Familiar
Start from the beginning
