IX. YES, TOXIC

18 5 1
                                    

𝐘𝐄𝐒, 𝐓𝐎𝐗𝐈𝐂
—matured content (LANGUAGE) ahead, read at your own risk.


"Pearl Lee! Pinapatawag ka ni Miss Mendez sa faculty room." Napalingon ako sa block president namin na ngayon e nasa likuran ko.

"Okay," walang ganang sagot ko rito.

Here we go again. "Brace yourself, Pearl."

"Miss. Lee, ano itong reklamo sayo ni Miss Reyes? Inutusan ka raw niya kanina na isulat sa board yung topics nyo, pero hindi mo sya sinunod? Ikaw ang secretary diba? Trabaho mo yon. Isa pa, matuto ka namang gumalang, kahit pa hindi sya ang adviser mo, at propesor mo lang sa isang subject e babastusin mo na nang ganyan. I am very disappointed of you, Miss Lee." Tuloy-tuloy na talak nito sakin.

Mag sasalita ba ako? Should I try?

Huminga ako ng malalim. "Miss M, hindi ko naman po binastos si Miss Reyes, nagpaalam naman po—"

"Shut it, Lee. I don't want to hear that, you're just going to defend yourself with lies." Napayoko nalang ako sa narinig.

Yeah, who am I to defend myself? I'm just a mere student after all.


"Bess, ano to? Nilalandi ka daw ni Ivan? Nagpapalandi ka naman? Pakshet naman bess! Alam mo naman na matagal ko nang gusto si Ivan, tapos ano? Aahasin mo lang? Tangina?"

Napayoko ako nang marinig ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ni Yana—my best friend.

"Ano? Hindi ka ba magsasalita?" Mahina siyang natawa. "And silence means yes. Tama nga sina Rhian, napakalandi mo talaga! From now on, we're not best friends anymore! I hate you!"

'Just because I chose to shut my mouth, I lost my best friend.'


"ANG GANDA MO PA NAMANG BABAE, PERO ANG BASTOS MO PALA! MYGHAAAAD!"

"ANO BA YAN! TAMA BANG MAG POST NG GANON? WALA KA NABANG NATITIRANG KAHIHIYAN SA SARILI MO?"

"BABAE KA PA NAMAN TAPOS GANYAN KA. SAKIT MO SA BANGS!"

"MGA KABATAAN NGA NAMAN NGAYON, HAYOK NA HAYOK SA SEX. JUSKO!"

"I'm sorry, someone hacked my account. That wasn't me. I'm really sorry." My tears started to stream down on my face.


"SUS! SYEMPRE SASABIHIN MONG HINDI IKAW YON!"

"GANYAN NAMAN MGA KABATAAN NGAYON, PAGKATAPOS GUMAWA NG KAHIHIYAN, MAG SOSORRY LANG TAPOS ANG LABAS, SILA ANG BIKTIMA."

"NAKO MISS, WAG KAMI. HINDI MO KAMI MAUUTO SA MGA PA-SORRY SORRY MO."

"GOSH! NAKAKAHIYA KA!"

Maliban sa sobrang kahihiyan, reading those harsh and painful comments on my social media account was just too much.

Someone hacked my fb account and posted "I AM HORNY" on it.

Now people, keep on throwing heavy words on me.

'BAKIT KAYO GANYAN?'



"BWESIT KA TALAGANG BATA KA! ALAM MO BA KUNG GAANO KA-MAHAL YANG VASE NA YAN TAPOS BABASAGIN MO LANG?! EH KUNG IHAMPAS KO YAN SA ULO MO AT NANG MAGTANDA KA?!" Galit na sigaw sakin ni Mama.

I bit my lower lip trying to stop my tears from falling.

"Ma hindi—"

"ANO HA?! SAGUTIN MO AKO, BAKIT MO BINASAG ANG VASE KO?!"

Huminga ako ng malalim. "Ma, hindi naman po ako ang bumasag nyan. Sakto pagbaba ko kanina, basag na yan. Sila Pele ang naglalaro dito kanina, kaya baka sila ang nakabasag. Bakit ba ganyan kayo? Lagi nalang ako ang sinisisi nyo! Anak nyo din naman ako ah!" At naiyak na nga ako ng tuluyan.

"PEARL LEE! ANO YANG NARIRINIG KO?" napalingon naman ako sa gawi ni Papa na ngayon ay nasa likuran ko.

"SINISIGAWAN MO NA ANG MAMA MO?! SINASAGOT-SAGOT MO NA?! BASTOS KA AH! GANYAN BA ANG PAGPAPALAKI NAMIN SAYO? ANG MAGING BASTOS SA MAS NAKAKATANDA SA INYO?! BUMALIK KA DOON SA KWARTO MO. WAG KANG LALABAS HANGGAT WALANG PAHINTULOT KO, NAIINTINDIHAN MO?!"

Agad akong nagkulong sa kwarto ko at doon ay hinayaan ang mga luha ko na kusang tumulo.

'Bastos ba ako?'

'Masama ba ako?'

Nagpaalam ako ng maayos kay Miss Reyes na baka pwedeng yung assistant secretary nalang muna ang magsulat sa board dahil hindi ko kaya, sobra akong nahihilo dahil sa sobrang taas ng lagnat ko that day.

Hindi ko nilandi si Ivan, ni wala nga akong gusto doon at hindi naman ako non nililigawan. Pakana lang yon lahat nila Rhian at ng mga barkada nya para sirain ako sa best friend ko. I chose to shut my mouth that time, dahil alam kong hindi rin naman ako pakikinggan ni Yana dahil sobrang galit sya. Balak ko sanang mag explain sa kanya kapag malamig na ang ulo nya, pero yeah.. I just lost my best friend.

Someone hacked my account, nag sorry na ako. Masama padin ba ako non?

I was just explaining my side, bastos na ba ako non? Walang modo? Walang respeto sa magulang ko?

The thing is,

Kapag nanahimik ka, guilty ka.

Kapag nag-explain ka at pinaglaban mo yung sarili mo, defensive ka.

Worst is, kahit alin pa dyan sa dalawa, they will still judge you na para bang ikaw na ang pinaka masamang tao sa mundo.

FVCK THAT TOXIC FILIPINO MINDSET!

DAMN IT!

~fin~

[AN: omg. Sorry for the badwords huhu.]

Somewhere Behind The CloudsWhere stories live. Discover now