III. Part of loving you, Was letting go

46 17 0
                                    

"Lianne, just stay in your bed please? Hinang-hina kana

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Lianne, just stay in your bed please? Hinang-hina kana. Baka kung ano pang mangyari sayo sa labas," nag-aalalang sambit ng ate ko habang inaalalayan ako na makasakay sa wheelchair.

"Please, Ate? I promise you, this will be the last." Tinignan nya naman ako ng masama, pero agad din namang naglaho ang mga tingin na iyon at napalitan ng panlulumo ang kanyang mukha.

Huminga ako ng malalim at saka hinawakan ang mga kamay niya. "Ate, ready na tayo diba? Matagal na tayong ready dahil anytime—"

"P-please d-dont. I j-just cant b-bear to loose you, Lianne. H-Hindi ko pa kaya, ikaw nalang ang m-meron ako," humikhikbing sambit nito.

I bit my lower lip, trying to stop my tears from falling.

"You love me right?" Agad naman siyang tumango bilang sagot. "I love you too, Ate. Pero ikaw rin ang nagsabi sakin na, part of loving someone is letting go. And since you love me, maybe it's time for you to let me go. Nararamdaman ko na ate, malapit—"

"Shut it, Lianne. I don't want to hear that. Just shut up! Sige na, lumabas kana. Please, bumalik ka agad." putol nya sa mga sanasabi ko, at saka ako iginiya palabas ng pinto.

Bago pa man maisara ni ate ang pinto, isang malakas na hagulgol ang narinig ko mula rito.

"I'm sorry, ate..." mahinang bulong ko sa sarili, at saka baksak ang balikat na tumuloy sa aking pupuntahan.


Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng sariwang hangin sa aking balat. Halos magda-dalawang oras narin pala akong nakatambay dito sa mini garden ng hospital kung saan ako naka confine.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapagdesisyonan ko nang bumalik sa loob, pero isang pamilyar na bulto ng lalaki ang tumambad sakin ng mapadaan ako sa maternity ward.

Nakikipag usap sya sa mga nurse kasama ang isang babae na malaki na ang umbok ng tiyan. Mukhang magle-labor na yata.

"J-Jace."

Napayoko ako saglit para punasan ang mga luha—

Luha?

Pagak akong natawa dahil hindi ko namalayan ang biglang pagdaloy ng aking mga luha.

"That's probably his wife." sambit ko sa sarili.

2 years ago

"Love, w-wala na ba t-tayo?" humihikbi niyang tanong sakin.

Napayoko ako at saka dahan-dahan tumango.

Mas lalo namang lumakas ang mga hikbi na kumawala sa kanyang bibig.

"Love, wag naman p-please? Hindi ko kaya, m-maawa ka naman sakin.. Love, w-wag n-nalang, s-sige na please?" nagsusumamong sambit niya sakin habang yakap-yakap ako sa kaniyang mga bisig.

Somewhere Behind The CloudsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora