XXIV. TERMINAL NO. 5

30 3 7
                                    

SBTC New Year Special 1.

My last time with you

***

Terminal No. 5”

Basa ko nang makita ko ang hinahanap ko. Dali-dali kong binuhat ang mga gamit ko at saka tuluyang sumakay sa bus nang mapansin kong dumarami na ang pasahero.

'Gotcha!'

Sambit ko nang may makitang bakanteng upuan malapit sa dulo.

Agad kong tinungo ang favorite spot ko, yung upuan sa tabi ng bintana.

EARPHONES IN

VOLUMES UP

Saka ko ipinikit ang mga mata ko. Medyo stress ako lately, tsaka laging puyat. Pano ba naman, 6PM-6AM ang duty ko sa hospital, tapos 7AM-4PM may klase ako. Hays. Sobrang nakakapagod.

By the way, I'm Niana. I'm 3rd year, nursing student to be exact. At etong year na ito ang pinaka nakakatakot para sa aming mga student nurse, bukod sa may duty kami, kabilaan din ang mga research paper na inaasikaso, dagdag mo pa yung minor subjects na feeling major. Aish.

Buti nalang, student's week namin ngayon. Tho, required kaming umattend ng mga activities, mas pinili ko nalang umabsent at umuwi samin. Sayang din yung 1 week na walang pasok, i need rest.

Bigla kong naramdaman na may umupo sa upuan sa tabi ko, sana naman kung babae o lalaki man ang katabi ko ngayon. Sana tahimik sya huhu. Naalala ko nong huling sakay ko ng bus, may nakatabi ako. Sobrang daldal nya, at ayaw ko non. Ang sakit sa ulo. Hindi ko din naman maintindihan yung mga pinagsasabi nya. Hays.

NANG maramdaman kong umaandar na ang bus, iminulat ko ang mga mata ko at saka tinanggal yung earphones sa tenga ko. Bago ito tuluyang itinago sa bag ko.

Ayokong nakikinig ng music habang nagbabyahe, mas nahihilo kasi ako. Ewan ko din kung bakit.

Ibinalik ko nalang ang tingin sa labas ng bintana saka inenjoy ang view na nakikita ko.

"KAMUSTA KANA?"

Nagulat ako nang marinig kong nagsalita itong katabi ko. Pero sa pag-aakalang hindi ako ang tinutukoy nya, hindi ko nalang ito pinansin.

Pero ilang sandali pa ay nagsalita nanaman ito.

"I'M HAPPY TO SEE YOU, AGAIN..." aniya.

Hindi ko na sana sya uli papansinin nang banggitin nya ang pangalan ko na ikinagulat ko naman.

"...NIANA."

At sa puntong yon, napalingon na ako sa kanya. At laking gulat ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"WRIGHT?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Bigla naman syang ngumiti na naging dahilan ng paglitaw ng malalalim na dimples nya.

"THE ONE AND ONLY."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. Hindi ko to inaasahan. Geeez!

Tumango nalang ako saka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Akala ko tatahimik na sya nang biglang magsalita sya ulit.

"Kamusta kana?"

"Ayos naman," sagot ko na hindi sya nililingon.

"Hindi ko alam kung mauulit pa tong pagkakataon na to, kaya i will take this chance nalang para makausap ka. Niana, pwede ba tayong magusap?"

Somewhere Behind The CloudsWhere stories live. Discover now