XXII. REJECTED

19 4 0
                                    

𝐑𝐄𝐉𝐄𝐂𝐓𝐄𝐃?

**

“Boss, ano ready kana ba?”

Napalingon ako kay Kali nang marinig ang tanong nito. “I guess so?” Kinakabahang sagot ko rito.

“Gago! I guess so ka dyan, dapat ganito, YES NA YES! Mas ready pa sa ready!”

Natawa ako  ng mahina nang marinig ang sinabi ni Kia.

“Ulol! Asan na ba yung best friend nyo? May balak ba yung pumasok?” Hindi mapakaling tanong ko.

Inakbayan naman ako ni Kali. “Chill boss, dadating din si Kristine. I-ready ang puso, baka malaglag pft.”

“Tapos baka hindi saluhin lol,” dugtong naman ni Kia.

Napailing nalang ako sa dalawa. Tangina naman kasi, first time kung aamin sa babaeng gusto ko. Nakakakaba pala to, pucha!

Since Valentine's day ngayon, I decided to confess my feelings on Kristine. Advice na rin nitong dalawang best friend nya para daw romantic, aish.

Ready na lahat, sya nalang ang kulang.

“Jerick, nasa gate na raw sya. OMG, let's go!” excited na sabi ni Kia.

“Shit.” Tangina yung puso ko parang lalabas na sobrang bilis ng pagtibok. Abnormal ba to?

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, panay ang ayos ko sa buhok at damit ko.

“Kalma boss, baka makalimutan mo ang sasabihin mo sa kanya mamaya. Sayang yung mga pakulo natin,” pagpapakalma sakin ni Kali, habang tinatapik-tapik pa ang likod ko.

Napapikit nalang ako, OA na kung OA pero parang mahihimatay na ako sa sobrang kaba, pucha.

“Jerick, ayos kana ba? Maiwan kana namin dyan ah, ikaw na bahala. Naibigay na daw nung iba yung mga papel kay Kristine, kami nalang ni Kali ang wala pa. Lalarga na kami, good luck sayo. Kaya mo yan!” Biglang sambit ni Kia.

“Fighting!” dagdag naman ni Kali.

“Sige, salamat.” At saka ko sila binigyan ng malapad na ngiti.

Ang plano kasi, may mga words na nakasulat sa mga papel, tapos may mga students nadin kaming napakiusapan na isa-isa pero sunod-sunod nilang ibibigay yon kay Kristine hanggang sa mabuo yung message na nakasulat.

Bale yung nakasulat is,

YOU
MAKES
MY
DAY
COMPLETE
I
LIKE
YOU,
KRISTINE

I know it's sounds corny, but damn! I couldn't think of anything else. Anong magagawa ko kung siya lagi ang laman ng puso't isip ko?

Oh shoot! Jerick, what the heck? Anong kakornihan yan? Pucha.

Halos manlambot ang tuhod ko ng makita kong papalapit na sya sa pwesto ko.

Naka kunot ang mga noo nito't puno ng pagtataka ang mukha.

Napalunok ako ng makalapit sya sa harapan ko. Fudge! Ang ganda nya talaga, ang amo ng mukha, mahabang mga pilikmata,

“Jerick?”

Matangos na ilong, mapupulang mga labi na may kaakit-akit na ngiti—

“Oy, Jerick!”

Bigla akong natauhan at parang nagising nang marinig ang boses nya.

“H-Ha?” parang tangang sagot ko.

“Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala,” nag aalangang tanong nito.

Tangina naman Jerick, nakakahiya ka talaga.

“Ah, hehe. Ang ganda mo kasi,” nakangiting sambit ko.

“Uhm, t-thanks?”

“So, ahm, Kristine.. a-ano uhm—” pucha bat ako nauutal?

“Ano?”

“I like you, Kristine. Matagal na. Uhm...”

Huminga ako ng malalim.

“PWEDE BA KITANG LIGAWAN?” deretsyong tanong ko. Bahala na si batman.

Pansin ko naman na medyo natigilan sya, ilang segundo rin itong hindi nakapagsalita.

T-Teka, nagulat ko ba sya?

Anong gagawin ko?

“Kris—”

“I'm sorry, Jerick,” mahinang sambit nito.

“H-ha?”

“I'm sorry, pero...”

Pero?

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang inaantay ang susunod nyang sasabihin, hindi ko alam—

“MAG-ARAL MUNA AKO,” sambit nito bago tuluyang tumalikod at umalis.

Halos malaglag naman ang panga ko sa narinig.

Ano daw?

Teka?

Nabingi ba ako?

“BOSS!” Napalingon ako sa sumigaw, at nakita ko ang nagtatakang mukha ng dalawang taong papalapit sakin ngayon.

“Anong nangyari? Bat parang ang bilis naman?”

“Bat umalis yon? Anong sabi? Sinagot ka ba?”

Sunod-sunod na tanong nung dalawa.

Dahan-dahan naman akong umiling.

“Ha? Eh anong sabi nya?”

“MAG-ARAL DAW MUNA SIYA,” wala sa sariling sagot ko.

“ANO?!” sabay na sigaw naman ng dalawa.

“Mag-aral nga daw muna sya.”

“Naknang?! Pft. HAHAHAHAAHAAHHAHAHAHA” malakas na tawanan nilang dalawa.

“Mag-aral? HAHAHHAHAHAHAHHA”

“Omyghaad. Pinaka epic na salita na narinig ko in my 17 years of existence HAHAHAHHAHAHAAHA”

Tawa lang sila ng tawa habang ako naman e hindi padin makapaniwala sa nangyari.

“Binasted nya ba ako?” wala sa sariling tanong ko.

“Hindi boss, you are REJECTED,” Pagtatama ni Kia.

Napakunot naman ang noo ko. “Anong pinagkaiba non?”

“Pag basted kasi boss, pang tambay pakinggan. Pero kapag Rejected medyo pang sosyal,” natatawang sagot naman ni Kali.

Agad ko naman silang tinapunan ng masamang tingin. Nag peace sign lang naman ang mga ito saka tumawa uli.

Tsk tsk.

“Ayos lang yan, Jerick. Hindi pa naman katapusan ng mundo, malay mo bukas mag bago bigla isip nung best friend namin, diba? Tara na, kumain nalang tayo. Libre kana namin,” aya sakin ni Kia.

“Kasi naman Jeck, mag-aral kasi muna. Puro ka kasi lovelife e, tsk tsk,” pailing-iling na sambit naman ni Kali saka ako hinili palabas ng room.

Napabuntong hininga nalang ako.

Tanginang Valentine's day to.

Epic fail, pucha.

Fin~

**
AN: OMG sorry sa bad words huhuness. Thankyou for reading po, btw <3

Somewhere Behind The CloudsWhere stories live. Discover now