XXV. SHAREit APP

24 3 0
                                    

SBTC New Year Special 2.

Because of Shareit App

[A/N: Share ko lang po. Half of the story are true to life po, kung kanino secret nalang HAHAHAHAHHA HAPPY READING!]

***

"Left 'n right, left 'n right, left 'n right, rip it, rip it c'mon-" napatigil ako sa pagkanta ng bigla ay naramdaman kong nagtanggal ng earphones sa tainga ko.

"Pucha naman, papansin ang peste! Nag eenjoy ako sa pagkanta, panira ka naman e!" inis at tuloy-tuloy na sambit ko kay Hestia, isa sa mga kaklase ko.

Nag peace sign naman sya. "Woah, CARAT ka din?" hindi makapaniwalang tanong nya sa 'kin.

"Yup. Pano mo nalaman?"

"Duh?! Left and Right kaya yang kinakanta mo, kanta ng babies ko-este SEVENTEEN yan diba? Engot talaga," sambit nito at saka umupo sa tabi ko.

"So, CARAT ka din?" tanong ko rito.

Bigla naman nagliwanag ang mukha nya. "ACKKKKKK! Oo no! Ang cute kaya ni Hoshi baby ko, yieeeee!" kinikilig na sagot nito.

Napailing naman ako. "Ah basta sakin si baby Mingyu, Jeonghan, Wonwoo, woozi-eh teka nga! Bakit mo ba ako inistorbo?" tanong ko uli ng maalala ko ang ginawa nya kanina.

"Ay oo nga pala, sabi kasi ni Sir Vin, sinend nya na daw sayo yung topics natin sa biochem, hingin nalang daw namin sayo since hindi sya makakapasok ngayon."

Shoot! Oo nga pala.

Napalingon naman ako sa kabuohan ng classroom namin para i-check kung nandito ba lahat ng classmates namin, since break time ngayon at baka nasa labas pa ang iba.

"CLASSMATES! PASOK MUNA BILIS! SINO SA INYO WALANG LOAD PANG OPEN NG FILE SA MESSENGER? MAG PAPASEND KASI AKO NGAYON KAY ELISE NG POWERPOINT SA BIOCHEM THROUGH SHEREit, SO BAKA LANG GUSTO NYO SUMABAY, PARA GROUP SHARE NALANG TAYO," Sigaw nitong katabi kong si Hestia sa mga kaklase namin sa labas ng room. Agad din naman silang lahat pumanhik sa loob at saka isa-isang kinalikot ang mga cellphone nila.

"Okay na ba? Naka open na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Wait lang, Elise. Papunta na daw dito sila Tristan, sasabay din daw sila," ani ni Clinton.

Bigla naman akong napahinto ng bigla akong makaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko, pati tiyan ko parang kinikilig.

'Pucha naman Elise, umayos ka. Narinig mo lang pangalan nya, kumikere ka nanaman. Jusko!' pagkausap ko sa sarili ko.

Agad akong napalingon sa may pintuan ng classroom namin ng bumukas ito at iniluwal ang lalaking gusto.

'Taena ka, heart. Kalma!' bulong ko sa isip ng bigla ay magtama ang mga mata namin ni Tristan. Ako na ang unang umiwas dahil pakiramdam ko e pulang pula nanaman ang mukha ko dahil sa kilig, peste!

Bigla akong napatingin sa mga kaklase kong babae na ngayon ay may mga mapang-asar na titig sakin. Peste talaga, pano naman kasi, lahat sila alam na may gusto ako kay Tristan. Puchanggala!

Agad ko silang tinapunan ng tingin na tumahimik-kayo-kung-gusto-nyo-pang-makita-ang-bukas

Naghigikhikan naman sila na parang nagets nila yung sinasabi ng mga mata ko.

Tsk tsk!

"Thanks, Elise!"

"Thankieee!"

"Yown! Samalat!"

Somewhere Behind The CloudsWhere stories live. Discover now