Chapter 14

0 0 0
                                    

Ram's POV

Tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Martian.

Papa ni Gee si Dranreb? At matagal nang patay 'yon?!

Pero paano?

Ang ibig kong sabihin, paano naman niya nabuksan ang sliding door kanina at paano niya nainom ang kape na binili niya?

Hindi kaya poltergeist siya? Pero sarado naman ang third eye ko, paano mangyayari na nakita ko siya?

Kaya siguro kinakabahan ako kanina sa presensya niya. Kasi multo siya!

'Tang ina ayoko na!

"Ramibabes! Namumutla ka? Natatakot ka ba? Huy, binibiro lang kita, hindi pa patay si Tito Reb."

Ano?! Ginu-goodtime lang ako ng lalaking 'to?

Inis na binato ko sa kanya ang hawak kong ballpen at saktong tumama ito sa ulo niya.

"Aray! Nakapa-sadista mo talaga kahit kailan."

"Sa tingin mo nakakatawa ang joke mo, sir Martian?" nakakainis ka talaga!

"Sorry na."

"Anong nangyayari dito?" biglang dumating sa harap namin si Bryan. Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin.

"Tito Reb went here kanina sabi ni Ram," nanlaki ang mga mata ni Bryan ang sinabi ni Martian.

Seriously, ano ba talaga ang meron sa taong 'yon?

"Hindi ba siya nanggulo dito?" tanong sa akin ni Bryan.

Umiling ako. "Hindi naman. Bakit? Ano ba kailangan niya kay sir Gee?" tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa na parang iniisip kung sasabihin ba sa 'kin o hindi. Sabagay, mukhang personal matter yata 'yon. At nasaad 'yon sa house rules namin. Pero wala na kami sa bahay e so 'di na counted 'to?

"We don't know. Basta malaki ang galit ni Tito Reb kay Gerard."

Grabe naman 'yon! Sinong matinong magulang ang may gano'ng pag-iisip?

"Anong dahilan?" tanong ko pa.

"Ang dami mong tanong. Bakit ka nandito? Nasaan si Duke?"

Sinamaan ko ng tingin si Bryan. Bipolar yata 'to eh.

"May kailangan daw pong asikasuhin, pero pabalik na 'yon," sagot ko at saka umalis sa harapan nila total wala pa namang customer at malapit na maglunch break.

~*~

"Ram pinapapunta ka nila sir Bryan sa taas."

Napatigil ako sa ginagawa ko nang tawagin ako ni Oren.

"May second floor dito?" gulat na tugon ko.

Hindi siya sumagot at iniwan na ako dito sa kinatatayuan ko.
Anong problema no'n at ang sungit?

Nagkibit-balikat na lang ako at hinanap ang stairs papuntang second floor. Nang marating ko ito ay namangha ako sa nakita, may open space sa labas at may nasisilungang malaking payong ang bawat table dito.
Nakita ko sa hindi kalayuan ang apat at mukhang ako na lang ang hinihintay. Nilapitan ko na sila.

"Pinapatawag niyo raw po ako, sir?" wika ko nang makarating ako sa harap nila.

"Maupo ka," sagot ni Bryan.

"Eat with us," wika naman ni Gee.

Ha? Anong meron? Ba't nila ako niyayaya kumain kasama sila?

Umiling ako, "hindi na po mga sir. Sa baba na lang ako kakain."

HousematesWhere stories live. Discover now