Chapter 8

0 0 0
                                    

Ram's POV

It's official! Me and the guys are now friends. Pero hindi ko maipapangako na hindi kami magbabangayan. I mean, duh, mga magbestfriends nga nag-aaway eh.

Nakabalik na kami dito sa bahay mga alas singko ng hapon. Na-traffic kasi kami sa EDSA eh.

'Yung tatlong lalaki, umakyat na sa kani-kanilang kwarto sa taas.

Habang ako, nagpapahinga dito sa sala. Nag-vape muna ako habang nakatingin lang sa kisame.

Nawaglit ang atensyon ko sa pag-iisip nang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko si Sel.

Umupo siya sa tabi ko pero may espasyo na pagitan.

"Hindi kita ma-tag sa picture nating lima doon sa samgyupsal resto.'Di mo pa ina-accept 'yung friend request ko," napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.

"Ay hindi pa ba?" patay malisyang tugon ko.

Hindi siya sumagot kaya tinignan ko ang mga friend requests sa account ko.

Sel Antonio sent you a friend request.

Bryan Arenas sent you a friend request.

Martian Zaragoza sent you a friend request.

Gerard Mills sent you a friend request.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. 2 weeks ago na pala mula nang i-add nila ako. Ganon na ba katagal akong hindi nagbukas ng FB account ko? Weird.

Isa-isa ko na silang in-accept para matahimik na ang loob ko. Baka isipin nila, pa-famous ako hindi nang-aaccept.

Wala pang isang minuto ay may 1 notification na nag-pop sa screen ng phone ko. Clinick ko ito at lumabas ang picture naming lima na kaka-post lang ni Sel at naka-tag kaming apat.

"Ang bilis ah," manghang wika ko habang nakatingin sa kanya.

Nginitian niya lang ako.

"Sel," wika ko muli.

"Hmm," lang ang itinugon niya.

Napa-irap na lang ako sa hangin. Bakit ba napaka-tipid nito magsalita.

"Ba't ang tahimik mo?" usisa ko.

"Anong ibig mong sabihin na tahimik?"

"Tahimik. Quiet. Behave," ano pa bang ibang words ang associated sa quiet?

"Wala lang. May batas ba na bawal ang tahimik?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Ang sungit naman nito. 

Nakarinig ako ng yabag pababa ng hagdan at sumalubong sa amin si Martian na bihis na bihis.

"Guys, I have to go. May imi-meet lang ako," wika niya pagkarating sa harap namin.

Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang siya.

"Sino? 'Yung chick kanina?" si Sel ang sumagot.

"Nope. Ibang girl," tugon nito.

"Ah..." lang ang isinagot ni Sel.

"Don't worry, marami siyang kaibigan na magaganda at sexy rin. Bigay ko sa 'yo number nila pagkauwi ko," tatawa-tawang pahayag niya pa.

"Ewan ko sa 'yo."

Hindi na sumagot si Martian at lumabas na ng bahay. Narinig ko pa ang pagbukas at sara ng gate.

Indikasyon na papaalis na siya.

Mabuti naman.

"Welcome to Mobile Legends!"

HousematesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora