Chapter 3

1 0 0
                                    

Third Person's POV

"Guys, where the hell are you?"

"We're right behind you."

Tumalikod ang lalaki at nakita niya ang mga barkada niya na naglalakad papalapit sa kanya. Napagkasunduan nilang magkita ngayon sa isang sikat na coffee shop dahil mahigit apat na buwan na silang hindi nagkakasama at nagbabalak din silang magtayo ng sarili nilang coffee shop balang araw.

"It's been a while, Martian."

"Same bro," tugon naman ng lalaki na nagngangalang Martian.

"Hey Bryan! How's life in here?"

"Ayos lang. Marami na akong naresearch na place kung saan natin pwede itayo ang unang branch ng business natin," sagot ng lalaki na nagngangalang Bryan. Bumaling siya sa isa niya pang kaibigan na tahimik lang na nakatingin sa kanilang tatlo. "Uy Sel kumusta ka na? Balita ko nabili mo na 'yung dream car mo."

Tumawa nang pilit at napakamot sa batok ang lalaki na tinawag niyang Sel. "Ayos lang ako bro. nag-aadjust pa lang tumira sa iisang bahay kasama 'tong si Gerard," turo niya sa kaibigan nilang kulot na nakasalamin. "As for my car, wala. Maliit na bagay lang 'yun."

"Guys! Seryoso ba kayo na dito kayo sa labas magke-kwentuhan tungkol sa buhay ninyo? Try niyo pumasok dito sa SB. May nakita pa naman akong chicks kanina sa bintana. Hihingin ko digits niya mamaya," humahalakhak na pahayag ni Martian.

Napailing na lang ang tatlo. "Hanggang ngayon ba naman ay hobby mo pa rin ang pambababae?" sumusukong tugon ni Bryan.

Hindi sumagot si Martian at tinulak na ang kanyang mga kaibigan papasok ng coffee shop. Palihim na itinuro ni Martian kay Bryan ang chicks na tinutukoy nito na nakaupo sa tabi ng bintana at busy sa pagtingin sa kanyang cellphone.

"Seriously bro? Siya talaga?" hindi makapaniwalang pahayag ni Gerard.

"Bakit hindi? Maganda naman siya. Sexy," tugon ni Martian.

"Mukhang mas lalaki pa sa 'yo manamit bro," natatawang pahayag naman ni Sel.

Inakbayan ni Bryan ang dalawa. "Mga bro, give this one to me. Titignan ko kung gagana ang charms ko sa kanya," proud pa na pahayag nito.

"Pfft. Ikaw pa? habulin ka kaya ng chicks noong high school tayo. Sa 'yo yata natuto mambabae 'tong si Martian." Natatawang tugon naman ni Gerard.

Hiningi na ni Bryan ang mga order ng kanyang kaibigan at saka siya naglakad papunta sa counter. Binulong niya sa barista ang inorder ng babaeng nakaupo sa tabi ng bintana at 'yon din ang kanyang inorder. Nang tinawag na ng barista ang umorder ng white chocolate mocha cream Frappuccino, ay nakipag-agawan dito si Bryan upang asarin ang babae pero ang panti-trip niya sa babae ay napunta sa kanya nang isaboy sa kanya ng babae ang inorder nito.


~*~


Tatawa-tawang lumabas ng coffee shop si Martian kasama ang mga kaibigan niya, pati na rin si Bryan na nanlilimahid sa lagkit dahil sa inumin na isinaboy sa kanya ng babae.

"Give this one, give this one to me ka pang nalalaman kanina ha! Hahaha!" tumatawang pahayag ni Martian.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan at saka tumingin sa direksyon kung saan nagpunta ang babae ngunit wala na ito.

"Let's go sa unit ko. Pahihiramin kita ng damit ko. Malapit lang naman 'yon dito," wika ni Gerard. Pumayag naman silang tatlo at sinimulan na nilang maglakad.

"Double kill! Triple kill! Maniac!"

Natisod si Sel habang naglalakad pero agad na naalalayan siya ng kaibigan niyang si Bryan. Tinignan niya kung ano ang ginagawa ng kanyang kaibigan sa cellphone nito at tutok na tutok siya dito. "Ano ba 'yang nilalaro mo at tutok na tutok na d'yan?" pag-uusisa nito.

"ML," si Gerard ang sumagot. "Ewan ko ba kung anong meron d'yan at ang daming naadik maglaro niyan," dagdag pa nito.


~*~


Pagdating nila sa condo unit ni Gerard ay agad na sumalampak sa sofa si Martian, si Bryan ay dumiretso sa CR upang linisin ang katawan at si Sel ay natayo sa may pintuan, busy pa rin sa paglalaro ng ML.

Ilang minuto ang lumipas at may nagdoor bell sa unit ni Gerard at agad na pinuntahan naman niya ito. Pagkabukas ng pinto ay inabot sa kanya ng isang staff ng condominium ang sobre at umalis na ito nang hindi nagsasalita.

Naagaw naman nito ang atensyon ni Martian na busy sa pakikipag-chat ng mga babae. "What's that?" tanong nito.

Napatigil naman sa paglalaro si Sel at umupo sa tabi ni Martian.

Sinuri ni Gerard ang sobre at binasa ang nakasulat dito, "galing sa head ng condo na 'to." Binuksan niya ang sobre at binasa ang nilalaman nito. Naging seryoso ang mukha niya nang mabasa ang nakasulat dito.

"Ano raw sabi?" curious na pahayag ni Sel.

Napaupo sa bakanteng upuan si Gerard sa may dining table. "Pinapaalis na ako rito sa condo ko. Walang sinabi na reason kung bakit. I think pakana ito ni dad," malungkot na pahayag niya.

Nagkatinginan si Martian at Sel, tumayo sila at lumapit kay Gerard upang damayan ito.

"Sinisisi ka pa rin ba ni tito Reb sa nangyari?" ani ni Sel.

"C'mon bro. Bakit hindi niya maintindihan na aksidente lang 'yung nangyari," wika naman ni Martian.

Napabuntong hininga si Gerard saka ngumiti sa mga kaibigan niya. "Thank you guys for being here for me."

"Sa'n mo plano ngayon lumipat? Ang hirap pa naman makahanap ng matitirhan ngayon."

"Okay lang ba sa 'yo na tumira sa isang apartment?" tanong ni Sel.

Saktong kakarating lang ni Bryan mula sa pagligo at pagbihis ng damit ni Gerard kaya wala siyang ideya kung ano ang pinag-uusapan ng tatlo. "Sinong titira sa apartment?" pag-uusisa niya.

Sabay sabay na napalingon sa kanya ang tatlo. "Si Gerard, pinapaalis na rito," si Martian ang sumagot sa tanong nito.

Napahawak sa baba si Sel at nag-isip. "Bakit hindi na lang tayo tumira sa iisang bahay? Para mas mapagtutuunan natin ng pansin ang itatayo nating business," suhestiyon nito.

Napaisip ang tatlo sa sinabi niya.

"Saan nga? Eh hindi ba pinapaalis na siya dito? Hindi naman pwede sa amin kasi kasama ko sa bahay sila mama at papa, hindi rin naman pwede kay Martian kasi nagbe-bed spacing lang siya," pagkontra ni Bryan.

Ngumiti si Sel. "Sa apartment ng tita ko. Balita ko may isa pang bakante doon."

Umiling si Bryan, napaisip naman si Martian at si Gerard ay wala pa rin sa sarili.


~*~


Kinagabihan ay tinext ni Sel ang kanyang tiya upang ipaalam dito na uupahan niya kasama ang tatlo pa nitong kaibigan ang sinasabing bakanteng apartment. Nang mapag-usapan nila ang bayad sa upa at nagkasundo sila ay natapos na ang kanilang usapan. Bukas na bukas ay lilipat na sila.

Ang hindi nila alam ay may isa silang makakasama tumira sa apartment na 'yon at ito ay ang babaeng nakabangga nila kanina lang.

HousematesWhere stories live. Discover now