Chapter 16

1 0 0
                                    

Chapter sixteen:

Ram's POV

Nakakainis talaga ang mga 'yon!

Nandito na ulit ako sa Grandpa para sa second day ko as employee nila so dapat galangin ko sila ngayon kasi boss ko sila.

"Ate Ram tawag ka ni sir Bryan sa taas," tawag sa akin ni Molly.

Here we go ladies and gentlemen, apparently, first day ngayon ng pagpapahirap sa akin ni Bryan. Hayaan niyo na ako, kahit sa isip lang, house mate pa rin ang tingin ko sa kanila sa oras na 'to.

"Thank you," tugon ko at saka umalis sa pwesto ko.

Pagkarating ko sa taas ay nakita ko si Bryan na may papeles na binabasa. Lumapit ako sa kanya.

"Pinapatawag niyo raw po ako sir?" bungad ko sa kanya.

"Dalhan mo ako ng cappuccino at isang slice ng carrot cake," tugon niya nang hindi lumilingon sa akin.

Tumango ako, "okay sir, coming up." Tugon ko at naglakad pababa.

Hindi ako pwede magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya na pwede niyang gamitin panlaban sa akin. Mahirap na, baka meron pa talaga siyang tinatago na duplicate ng video na 'yon. Nakakahiya talaga! Ba't ba ako nagpakalasing nang husto noon?

"Molly, isang slice ng carrot cake daw kay sir Bryan," wika ko at nagtungo sa balwarte namin ni Oren upang ihanda ang cappuccino na iniutos sa akin ni Bryan.

Matapos kong ihalo ang espresso, steamed milk, at frothed milk ay inilagay ko na ito sa cup. Inabot sa akin ni Oren ang isang tray at doon ko inilagay ang kape at cake na kakaabot lang sa akin ngayon ni Molly.

Dahan-dahan akong naglakad paakyat para 'di matapon ang dala ko. Mabuti nang mag-ingat.

"Heto na po sir," wika ko at inilapag sa bakanteng bahagi ng table ang kape at cake. "Anything else?" dagdag ko.

"Wala na. bumalik ka na sa trabaho mo," tugon niya pa rin nang hindi binabaling ang tingin sa akin.

Nagpasalamat ako sa kanya at bumaba na.

Kaya lang, pagkabalik na pagkabalik ko sa pwesto ko ay may tumawag sa akin.

"Ma'am Ram, tawag po kayo ni sir Bryan sa taas," wika ng isa naming ka-trabaho na sa pagkakaalam ko ay isang janitor.

Napakamot ako sa ulo. Akala ko ba wala nang kailangan ang ugok na 'yon? Ba't bigla akong ipapatawag ulit.

"Sige, salamat," tugon ko dito at umalis na siya sa harapan ko.

Umakyat ulit ako, at this time ay kasama na niya si Martian.

"May kailangan po kayo?" tanong ko at pinapanatili ko ang composure ko. Mahirap na, baka mapansin nito na nagiging tunog sarcastic na ako.

Remember self: one click away lang ang future mo.

"May emergency sa pamilya ni Erwin, ikaw muna ang gumawa ng trabaho niya," tugon ni Bryan, at this time, binigyan na niya ako ng eye contact.

Teka, Erwin? 'Yun ba 'yong lalaki na tumawag sa akin kanina? Ibig sabihin, from human coffee maker to instant janitress ako? By means of pagma-mop, paglilinis ng bintana at pagpunas ng mesa?! What the f?

"Saka may iuutos din si Martian," dagdag pa niya sabay siko sa kaibigan. Binigyan ako ni Martian ng weird look na para bang sinasabi na, "bakit kayo nakatingin sa akin?" hindi nakatakas sa paningin ko ang pandidilat ni Bryan kay Martian na para bang sinasabi na, "basta utusan mo siya ng kahit ano kung hindi, uupakan kita."

HousematesWhere stories live. Discover now