Chapter 22

0 0 0
                                    

Chapter twenty two:

Third Person’s POV

Kinabukasan, sabado ng umaga. Magkasamang nagpunta ng mall si Gerard at ang nobya nitong si Mariella upang mamili ng pwedeng ibigay sa mga magulang ng lalaki. Kinakabahan ang babae dahil ito ang unang pagkakataon na makikita niya sa personal ang mga magulang at ipapakilala bilang nobya ni Gerard.

“Just relax okay? Mom isn’t that stern like dad,” pagpapakalma ni Gerard dito. “She’s very fond of  a girl since dalawa lang kaming magkapatid at pareho pang lalaki.”

Napatango si Mariella kahit na nag-aalangan pa rin. “I guess you’re right,” maikling tugon nito.

Napangiti si Gerard at pinisil ang pisngi ng babae. Nang matapos na sila sa pamimili ay bumalik na sila sa Grandpa Café.

~•~

 
Abala si Ram sa paggawa ng mga in-order na kape nang umupo sa bar stool sa harap niya si Sel at Martian.

“Himala, wala tayong hangover ngayon ah,” pang-aasar ni Martian sa babae.

Inismiran lamang siya ni Ram bilang tugon, samantalang si Sel ay palihim na natatawa sa babae. Napagkasunduan ng dalawa kagabi na hindi nila sasabihin sa kahit na kanino ang kanilang napag-usapan tungkol kay Mariella. Ayaw lamang nila kumalat ito at lumaki pa ang apoy. 

Nawaglit ang pang-aasar ni Martian sa babae nang dumating sa likuran nila si Gerard at Mariella na nakalingkis sa braso ng lalaki. Nang makita niya si Ram ay dali-daling naglakad ito papunta sa direksyon ng babae at binati.

“Hi, Ram!” masiglang bati nito. Malayong-malayo sa pakikitungo nito sa babae kahapon.

Napakunot-noo si Ram dahil sa pagbati sa kanya nito. Pero agad din niyang nginitian nang pilit si Mariella, “Hi,” maikling tugon nito. At binalik ang atensyon sa trabaho nito.

Hindi nakatakas sa paningin at pakiramdam ni Mariella na malamig ang pakikitungo sa kanya ngayon ni Ram. Gayunpaman, hindi niya ito pinansin at may kinuha sa kanyang bag at inilahad ito sa babae. “Pasalubong nga pala, galing Hawaii. Sorry ‘yan lang maibibigay ko, nakareserve na kasi kila Gee ‘yong iba eh,” wika nito sa malambing na boses.

Muling napatigil si Ram sa kanyang ginagawa at pinasadahan niya ng tingin ang bagay na hawak ni Mariella ngayon. Isa itong pulseras na gawa sa maliliit na kabibe. Ibinaling niya ang tingin kay Sel. Tipid na tango lang ang iginawad nito sa babae na sinasabing tanggapin na nito ang ibinibigay ni Mariella.

Nag-aalangang tinanggap ito ni Ram at nagpasalamat sa babae. Kasunod nito ay binigyan din ni Mariella si Martian at Sel na nasa harap nito.

~•~

Alas sais y media ng gabi, tapos nang magbihis ng damit si Mariella sa inookupa nitong kwarto sa tabi ng terrace nang may kumatok sa pinto. “Pasok!” Sigaw nito habang nakaupo sa upuan sa harap ng isang vanity mirror at naglalagay ng make-up.

Bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Gerard na bihis na bihis din. “You ready?” bungad nito sa babae. 

Ngumiti nang tipid ang babae sa repleksyon ng salamin saka humarap sa lalaki na naglalakad papalapit sa kanya. “I just can’t believe na after three years, ipapakilala mo na ako sa parents mo bilang girlfriend mo.”

Hinalikan ni Gerard sa noo si Mariella, hinawakan sa magkabilang balikat at parehas na tumingin sa repleksyon ng salamin. “Sorry kung natagalan,” pabirong sagot ni Gerard na ikinatawa ni Mariella. “Well at least, the long wait is finally over and in good terms na kami ni Dad.” Dagdag pa nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HousematesWhere stories live. Discover now