Chapter 5

0 0 0
                                    

Third Person's POV

Tulalang nakatingin sa malayo si Ram habang humihipak ng vape.

Iniisip kung ano na lang ang mangyayari sa kanya sa mga susunod na araw na makakasama niya pa sa bahay ang apat na lalaki.

Samantala, hindi ramdam ni Ram ang presensya ni Gerard sa kanyang likuran na nakatayo ngayon at nakatingin sa babae.

Napansin niyang kakaiba ang tunog ng pagbuntong hininga ni Ram, parang ang bigat ng pakiramdam nito.

Tumikhim si Gerard upang kuhanin nito ang atensyon ni Ram at agad na napalingon naman ang babae sa kanya.

"Tara na?" tanong ni Ram dito.
Tumango si Gerard at nagulat siya nang ibato sa kanya ni Ram ang isang helmet, mabuti na lang ay nasalo agad niya ito. Nauna nang sumakay sa motor si Ram habang si Gerard ay hindi maipinta ang mukha sa habang nakatingin sa babae. Agad namang napansin ito ni Ram.

"Bakit?" tanong pa nito.

"Ito sasakyan natin?"

"Oo kaya sumakay ka na."

Hindi na sumagot ang lalaki, sinuot na lamang niya ang binigay na helmet sa kanya at umangkas sa likuran ng babae. Hindi alam ng lalaki kung saan siya kakapit. Sa bewang ba o sa balikat kaya nagdesisyon siya na sa handle nito sa likurang upuan na lang siya kumapit.

Nang maramdaman ni Ram na nakakapit na si Gerard sa likuran nito ay binuhay na niya ang makina ng motor at saka pinatakbo ito. Nagulat si Gerard sa mabilis na pagmaneho ng babae kaya sinaway niya ito, "Pwede ba magdahan-dahan ka pagmamaneho? Ayoko pa mamatay."

Tila hindi siya narinig nang malinaw ni Ram dahil sa ingay ng mga sasakyan sa highway. "Ha? May sinasabi ka?"

Hindi rin siya naintindihan ng lalaki kaya hinigpitan na lang niya ang kapit sa likuran nito.

Nagdarasal na sana ay makarating sila sa paroroonan nang ligtas at walang galos sa katawan dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Ram.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa pinakamalapit na palengke sa bahay nila.

Namangha na kinabahan si Gerard pagkababa ng motor. Ito pa lang kasi ang unang beses niya na makapunta sa palengke.

Hinila na siya ni Ram papunta sa tindahan ng mga karne. Habang ang babae ay abala sa pagtingin ng mga magagandang klase ng karne, si Gerard naman ay todo iwas sa tumatalsik na dugo mula sa pagchop-chop ng mga tindero sa mga paninda nito. Palihim na sinulyapan ni Ram si Gerard at natatawa na lamang siya sa nakikita sa lalaki.

Nang matapos na sa pamimili ng karne si Ram ay nagsimula na siyang maglakad muli. Habang si Gerard ay nakasunod lang sa kanya sa paglalakad. Umaktong nabibigatan si Ram sa pinamiling karne kaya nilapitan siya ni Gerard at kinuha ang hawak nito.

"Let me help you," wika nito.

"Kung hindi pa ako aarte eh baka 'di ka pa magkukusa," bulong ni Ram sa sarili pero narinig ito ni Gerard.

"You were saying something?"

"Ah, wala. Sabi ko doon naman tayo magpunta sa bilihan ng gulay," patay malisyang tugon nito at nauna nang maglakd muli.

Tinuruan ni Ram si Gerard sa pagpili ng mga sariwang gulay para sa susunod na pamimili nito nang hindi kasama ang babae ay alam na niya ang mga dapat piliin.

Mag-aalas nuebe na nang matapos sila sa pamimili ay nagpunta sila sa kainan sa loob ng palengke. Naupo sa bakanteng upuan si Gerard habang si Ram ay namili ng kakainin nila.

Muling namangha si Gerard sa nakikita niya, "Woah, so there's like a foodcourt inside this palengke." Sakto naman at dumating na si Ram na may dalang dalawang baso ng ice cream, inabot niya ang isa sa lalaki at sinimulan na niyang kainin ang sa kanya.

HousematesWhere stories live. Discover now