Chapter 19

0 0 0
                                    

Chapter nineteen:

Ram’s POV

“Ano kamo? May jowa si kuya Gerard at ‘yon ay ang babaeng parang linta na nakakapit sa kanya kanina?” oras ng trabaho ko ngayon pero nakikipag-chikahan ako kay Gwey na hindi pumasok sa eskwelahan nila kasi Student’s Day nila. Since may mga pabidang programs ang student council nila at mga korning booth lang daw ang muli nilang masasaksihan doon ay minabuti niyang mag-cutting na lang. Wala naman daw silang klase at saka isa pa, sinama niya na rin ang mga kaklase niya kaya pampadagdag customers din 'yon dito. Sus! If I know, si Bryan ang dahilan ng pagpunta nila dito kunyari pa sila.

Kung isumbong ko kaya ‘tong si Gwey kay Aling Weng na nag-cutting ang anak niya. Tapos hihingi ako ng pabor dito na bilang kapalit ay paalisin niya sa bahay ang apat na lalaki para tahimik na ulit ang buhay ko. Pero ang sama ko namang kaibigan kung gano’n. Napagpasyahan ko na ilihim ‘to kay Aling Weng para sa ikabubuti ng lahat. 

“Hinaan mo nga ang boses mo! Baka mamaya may makarinig sa ‘yo, sasabihin, pinagchi-chismisan natin sila,” suway ko sa kanya. Paano ba naman kasi, ang lakas ng boses kung magsalita. May megaphone yata sa larynx nito eh.

Sumimangot siya, “eh totoo naman eh. Pinagchi-chismisan natin sila.”

Aba! Sumasagot pa ‘tong babaeng ‘to. 

“Ngayon, malinaw na sa ‘yo na hindi posible ang sinasabi mo kagabi.”

“Eh kasi naman. Halata naman na may gusto ka talaga sa kanya,” pangungulit niya saka uminom ng inorder niyang kape na specialty ko. 

Napairap na lang ako sa hangin. “Walang basehan ang mga akusasyon mo,” giit ko. Inirapan niya ako saka tumingin sa may likuran niya sa ‘di kalayuan. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Mariella na nakikipag-usap sa apat. Nagtatawanan pa sila. Siguro matagal na silang magkakilala kaya ganyan sila ka-komportable sa isa’t isa.

Sana…

“Sana ganyan din kayo ka-close ng mga boss mo sa bahay.”

“Ano bang pinagsasasabi mo Gwey?” umiling ako. “Bakit ko naman hihilingin ang bagay na ‘yon? At saka isa pa, ilang buwan lang naman silang titira sa bahay  kaya walang dahilan para maging close pa kami.” Sige Barbara, magsinungaling ka pa sa sarili mo. Ipagpatuloy mo lang ‘yan.

“Pero kabaligtaran ang sinasabi ng mga mata mo,” aniya saka ako tinitigan.

Naiilang na napaiwas ako ng tingin. “Baka gusto mong isumbong kita kay Aling Weng na nag-cutting ka,” pag-iiba ko ng usapan at pagbabanta ko sa kanya. As much as possible, ayaw ko na ako ang laging topic. Naiinis ako.

Imbis na matakot ay parang wala lang sa kanya ang pagbabanta ko. “Nah uh uh,” aniya habang kinukumpas ang hintuturo sa akin. “Alam ni mama na pupunta kami dito kaya walang silbi kung isusuplong mo pa ako,” dagdag pa niya at ipinakita sa akin ang pinaka-demonyo niyang ngiti.

Napairap na lang ako sa hangin. “Bahala ka d’yan, magta-trabaho muna ako,” tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako. 

“Sandali. Paano nga pala ‘yung meet the parents eme niyo bukas? ‘Di ba ikaw ang niyaya ni kuya Gerard? Since nandito na ang jowa niya, baka siya na ang isama ni kuya Gee doon.”

Hindi ako sumagot. Sa halip ay tinalikuran ko siya at gumawa ng kung anong bagay para makaiwas sa usapin na ‘yan.

Naalala ko ang usapan namin ni Gee kaninang umaga; si Sel ang naghuhugas ng pinagkainan ngayon habang si Bryan at Martian ay nagwo-work out pagkatapos kumain, habang si Mariella ay nasa guest room, nagpapahinga.

“Ram, can we talk?” 

Tumango ako kay Gee at sinundan ko siya palabas ng bahay at nagpunta sa garahe. Umupo siya sa bakanteng papag doon at pinaupo niya ako sa tabi niya. Sumunod naman ako.

HousematesWhere stories live. Discover now