Chapter 13

0 0 0
                                    

Ram's POV

Aray! Ang sakit ng ulo ko!

Dahan-dahang bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa.

Teka? Sa sofa ako natulog kagabi?! Aaaaaarghhh! Ano bang nangyari kagabi?!

Sandali, bakit--bakit hindi ko suot ang t-shirt ko? May nangyari ba kagabi? Pero suot ko pa naman ang pantalon at sapatos ko.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko.

"Kasi naman bakit ka nagpakalasing self?! Alalahanin mo ang mga nangyari kagabi!" pumikit ako at pilit na inaalala kung bakit ganito na lang ang suot ko.

Pero wala talaga akong maalala!

Lumingon ako sa paligid. Ni isang bakas ng kalat mula sa inuman ay wala akong makita. Hindi kaya, nanaginip lang ako? Pero imposible! Paano maipapaliwanag no'n kung dito ako sa sofa natulog at bra lang ang pang itaas ko? Mabuti na lang natatakpan ng kumot ang katawan ko ngayon.

Napagdesisyunan ko na maligo na kasi hindi ko maintindihan ang amoy ko ngayon.

Ni-hindi ko na nagawang mag-almusal at pagkatapos kong magbihis ay umalis ako ng bahay.
~*~

Nang makarating ako sa Grandpa ay sinalubong ako ni Molly. "Ba't late ka ate?" tanong nito.

Napakunot-noo ako. Ha?

"Unang araw sa trabaho, late. Tsk, tsk, bawas agad sa sweldo mo 'yan," napalingon ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. Si Bryan pala.

Sandali, may alam kaya siya sa nangyari kagabi? Nilapitan ko siya.

"SIR Bryan, maaari mo po bang i-explain sa akin kung bakit..." paano ko ba to sasabihin? Nakakahiya.

"Bakit?"

Huminga ako nang malalim, lumapit ako sa kanya at bumulong, "bakit po naka-bra lang ako pagkagising ko at bakit sa sofa ako nakatulog?" mahinang tanong ko.

Tinignan niya muna ako bago sumagot, "hindi mo maalala?"

Ngumiti ako nang pilit, "magtatanong po ba ako sa inyo kung naaalala ko?"

Seryoso ba ang tanong niya? Parang nang-aasar eh.

"Magtrabaho ka muna at sasagutin ko ang tanong mo mamaya." Hindi na niya ako hinintay makasagot at umalis na siya. Sira ulo 'yon ah!

Nanghihinang naglakad ako papunta sa kitchen.

"Heto ang damit mo, bilisan mo magbihis kasi maraming customer." Bago ako makasagot kay Oren ay lumabas na siya.

Haaay! Ganito ba talaga ang mga tao dito?

Tinignan ko ang damit na ibinigay sa akin ni Oren. Isang puting polo shirt, asul na apron na may logo ng Grandpa Café, sombrero na meron ding logo at spit guard.

Hmm, hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagbihis na sa wash room ng staffs. Nang makapagsanitize ako ay pinuntahan ko na si Oren sa counter at nadatnan ko siyang busy sa ginagawa niyang kape.

Agad na napansin niya ang presensya ko at nagsalita siya,

"Barbara, tama ba?"

HousematesWhere stories live. Discover now